Chel Diokno: Kalokohan ‘yang death penalty na ‘yan!



Otso Diretso senatorial bet Chel Diokno / photo from Google (ctto)



Sa debate ng CNN Philippines noong Sabado ay isa-isang tinanong ang mga kandidato pagka-senador tungkol sa isyu ng pagbuhay sa death penalty.

Isa sa nagmarka ay ang sinabi ni senatorial bet Chel Diokno na “kalokohan” ang parusang kamatayan.



“Kalokohan ‘yang death penalty na ‘yan. If we want to stop the war on drugs, make sure that those who are doing this are punished,” diin ni Diokno.

Ayon pa sa kanya, ang war on drugs umano ng Duterte administration ay tinitira lang ang mga mahihirap at hindi ang mga drug lords.

“Nasaan ang mga drug lord? Sa totoo lang, takot ang gobyerno,” dagdag pa ng Otso Diretso bet

Maliban kay Diokno, hindi rin pabor sa death penalty sina Gary Alejano, Romy Macalintal at Samira Gutoc dahil hindi umano maayos ang justice system sa bansa at ang mapapatay lang aniya ay mahihirap.


Samantala, pabor naman si dating Philippine National Police chief at senatorial candidate Bato Dela Rosa sa parusang kamatayan pero hindi aniya para sa lahat kundi para sa mga drug trafficker.




Source: Abante

Post a Comment

0 Comments