Nicko and Kris in happier times / photo courtesy of Nicko Falcis via ABS CBN |
Inurong na ni Kris Aquino ang reklamong qualified theft na isinampa niya laban kay Nicko Falcis sa Office of the Prosecutor ng Mandaluyong City.
Si Nicko ang dating managing director ng digital company ni Kris na Kris Cojuangco Aquino Productions o KCAP na kinasuhan niya kaugnay sa unauthorized na pag gamit ng credit card ng kumpanya.
Huwebes ng hapon, April 11 nang ireport ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas na ang kopya ng resolution na pirmado ni Lourdes Javelosa Indunan, senior assistant city prosecutor ng Mandaluyong na may petsang March 25, 2019.
Nakasaad din sa resolusyon na noong March 23, 2019 ay umapela ang kampo ni Kris na iatras ang reklamong qualified theft laban kay Nicko.
"As prayed for, in view of the Motion to 'Withdraw Complaint' dated 23 March 2019 filed by complainant, the above-entitled complaint is deemed withdrawn." Ayon sa dokumento.
Si Kris ang nagsampa ng pitong reklamong theft laban kay Falcis sa Mandaluyong Makati, Taguig, Quezon City, Manila, Pasig, at San Juan.
Source: PEP
0 Comments