Vice President Leni Robredo /photo from Facebook |
Nais umano ni Vice President Leni Robredo na humarap sa
korte ng Pilipinas ang mga responsibleng Chinese na nakabangga sa fishing boat
ng mga Pilipinong mangingisda malapit sa Recto Bank noong June 9.
Ayon sa kanyang statement base sa report ng CNN Philippines,
hinikayat ni Robredo ang Foreign Affairs na mag demand sa China na hanapin ang
mga taong may kinalaman sa insidente para managot.
"We strongly urge the Department of Foreign Affairs to
demand from the Chinese government to find those responsible and recognize
Philippine jurisdiction, so they can face trial before our courts.
Justice for
the 22 Filipino fishermen require that our courts assume jurisdiction,"
Ayon kay Robredo
Nagpahayag din ng duda ang Bise Presidente kung talagang
paninidigan ng China ang pagpapa imbestiga sa naturang insidente.
"While we acknowledge the statement of the Chinese
ambassador that their government will investigate the incident, we should ask:
If the Chinese government has already presented their own version of the events
and will not even accept that a wrong was committed, how can we expect it to
mete justice on those responsible?" Ayon sa kanya
Ayon sa naunang pahayag ng Chinese Embassy matapos ang
kanilang preliminary probe, pinaligiran umano ng pito o walong bangka ng mga
pinoy ang Yuemaobinyu 42212 habang naka tigil malapit sa Recto Bank.
Pinuna rin ni Robredo ang “less assertive” policy ng
administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
"Its failure to consistently contest Chinese
encroachment in our waters was inevitably going to result in less and less
respect of our laws and sovereignty from China — and to the direct harm of our
people. As our own history has repeatedly taught us, abuse, left unchallenged,
will only encourage further abuse, giving rise to impunity," Ayon sa kanya
Samantala, hindi natuloy ang pakikipag usap sana ng kapitang
ng fishing boat na nakabangga ng China kay Pangulong Duterte.
Nakatakda sanang makipag kita si Junel Insigne, kapitan ng
F/B GEM-VIR1 sa Pangulo para ikwento ang buong pangyayari noong June 9 sa Recto
Bank.
Ayon sa pamilya ni Insigne, hindi na lang muna
makikipag-usap sa pangulo ang kapitan ng barko dahil nakararanas pa ito ng
trauma bunsod ng pangyayari.
Source: CNN Philippines
Source: CNN Philippines
0 Comments