Nakakaranas pa ng trauma! Kapitan ng F/B GEM-VIR1 umatras sa pakikipagkita sa Pangulo

Image via PNA



Makikipag kita dapat ang kapitan ng bangkang pangisda na lumubog sa Recto Bank kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong lunes pagkatapos ng anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point sa Cavite.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, paluwas na sa Maynila si Junel Insigne, kapitan ng F/B GEM-VIR1 para ikwento sa pangulo ang buong pangyayari noong June 9 sa Recto Bank.



Ngunit habang nasa byahe mula Occidental Mindoro patungong bayan ng Calapan, bigla umano tumawag ang asawa nito at sinabing huwag na siya tumuloy dahil di rin naman daw tuloy ang special cabinet meeting.

Pahayag ng pamilya ni Insigne, nakararanas pa ito ng trauma dahil sa pangyayari kaya hindi muna makikipag usap sa pangulo.

Taliwas naman umano ang lumabas na balita na makikipag kita ang pangulo kay Insigne dahil ayon kay Senator-elect Bong Go, walang naka schedule si Duterte na pakikipag usap sa kapitan.

Ayon din sa mga naunang ulat, gustong makipag kita kay Duterte para humingi ng tulong upang maipagawa ang barkong nawasak.



Hihilingin din dapat ni Insigne sa pangulo na pagbawalan ang ang mga mangingisdang Intsik sa Recto Bank at papanagutin ang mga Chinese crew na sangkot sa insidente.

Nagbigay naman ng pahayag si Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na iinspeksyunin niya ang nasirang barko sa Miyerkules.

Nag bigay din umano ng  tulong pinansyal ang pamunuan sa mga mangingisdang biktima.

Samantala, wala pang pahayag ang pangulo sa pangyayaring ito sa Recto Bank, pero ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinapaimbestigahan na ito ng Pangulo.



Post a Comment

0 Comments