Proud to be Pinoy! Isang Pinay Nurse ginawaran ng parangal ni Prince Charles


Pinay Nurse Joy Ongcachay photo from The Filipino Times (ctto)


Pinarangalan ang isang  Pinay nurse ng Order of the British Empire (OBE) Award, isa sa pinaka-prestihiyosong award, na iginawad mismo ni Prince Charles.

Ayon sa The Filipino Times, pinarangalan Si Joy Ongcachuy, isang robotic lead nurse sa Royal London Hospital, na nagpakita ng  kagitingan bilang isa sa mga first responders sa  mga terrorists attacks sa London Bridge at Manchester noong June 2017.



Ang OBE award ay ang pinakamataas na pagkilala sa mga indibidwal na may angking tapang at mga tinaguriang bayani sa iba’t ibang larangan.

Ayon pa sa Philippine Embassy sa London, Tatlo lamang sa mga Pinoy ang pinagkalooban ng prestihiyosong award na ito at kabilang na nga rito si Joy.

Nagsimulng magtrabaho sa UK noong 2002 si Joy bilang scrub nurse at ngayon ay isa na syang Robotic lead nurse sa Royal London Hospital.  



Tubong Talisayan, Misamis Oriental, bata pa lamang si Joy ay pangarap na nyang maging isang Nurse upang makatulong at mag-alaga sa mga may sakit.

Kasama din ni Joy ang kanyang anak na kasalukuyang kumukuha ng kursong  Nursing sa London South Bank University. At kasalukuyang nagtatrabaho na din sa nasabing ospital.

Isang napaka-laking karangalan kay Joy ang pagtanggap ng OBE award na maituturing nyang isa sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay.

Tunay na nakaka-proud maging isang Pinoy, dahil sa mga pagkilala ng ibang mga bansa sa mga kabayanihan at angking sipag ng ating mga kababayan.



Source: KAMI



Post a Comment

0 Comments