Compiled photo from Facebook |
Laking pasasalamat ang isang babae sa kapwa nya pasahero sa
sinasakyan nyang bus pauwi, isang madaling araw.
Para sa nasabing babae, isang real-life hero para sa kanya si
Edward Janen Ortega na kanyang nakasakay sa nasabing bus.
Ayon sa kwento na binahagi ng Inquirer, nagtaka ang mga
pasahero noon ng bus mula sa Taguig nang pilit silang pinababa ng driver at
konduktor di kalayuan sa kanilang dapat na bababaan.
Nang magbabaan na lahat ng pasahero, nahuling bumaba sa bus
si Edward, palibhasa sya ay nakaupo sa pinakahuling bahagi nga bus.
Palabas na malapit sa pinto si Edward, nadaanan nya ang isang
babaeng mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang kinauupuan.
Ngunit pagkababa mismo ni Edward, biglang umandar na ang
bus. At lalo na nang di pa nakakalayo ang bus ay piñatay na ang ilaw nito.
Labis na kinabahan si Edward at tila may masamang mangyayari
sa babae. Kinutuban siya na tila di maganda ang balak ng driver ng binabaang
bus at konduktor nito sa naiwang babae.
Di na nagdalawang isip pa si Edward na habulin ang bus at nagkunwaring
naiwan niya ang kanyang wallet sa bus, para maisalba ang babae.
At dahil sa likurang bahagi umupo si Edward, nadaanan niyang
muli ang babae at tinanong ang konduktor kung bakit di pa nila ito ginigising.
Agad na sinagot sya ng driver at konduktor at sinabi na
kasama nila ang babae. Ngunit may
masamang kutob si Edward na di nagsasabi ng totoo ang mga ito.
Nagkaroon na ng ng pagtatalo sina Edward at ang magkasabwat
na driver at konduktor, na siyang naging dahilan upang magising ang babae. At agad
na bumaba ito ng bus.
Pagkatapos ng pangyayari, doon na nagsimula ang pagkakaibigan
ni Edward at ang babae nailigtas nya mula sa posibleng kapahamakan.
Lubos ang pasalamat at pagtanaw ng utang na loob ng babae
dahil sa buwis-buhay na ginawa ni Edward sa kanya. Magpasa-hanggang ngayon ay
nagkikita pa rin at patuloy pa rin ang kanilang ugnayan sa isa’t isa.
Source: KAMI
0 Comments