Bago ang sinapit nina Eileen at Allan, ex schoolmate nila, may nakakakilabot na karanasan



Eileen Sarmenta and Allan Gomez



Isang dating schoolmate ng UPLB students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez ang nagkwento sa kanilang nakakakilabot na karanasan noon, dalawang taon bago mapaslang ang magkasintahan.

Ayon kay Jesse Vera Acebes na nagpaunlak ng panayam sa Inquirer, possible umano na may kaugnayan ang kanilang karanasan na iyon taong 1991, sa sinapit nina Eileen at Allan.



Exam week , taong 1991 nang magka yayaan umano silang magkakaklase sa isang bakanteng lote na tambayan nila noon sa labas ng unibersidad malapit sa International Rice Research Institute (IRRI).

Dahil hindi pa uso noon ang mga bar sa Los Banos, nagbabaon lang umano sila ng cooler at beer kapag tumatambay.

“Nung times ng 90s, 80s, wala namang mga bars sa LB. Ang bar pa lang nun, isa, dalawa. So kapag nagka-yayaan, [may baon lang na] isang cooler, ilang beer lang naman. Hindi naman talaga malaking inuman yan. Basta tambay lang nun,” Ayon kay Jesse sa nasabing panayam

“Kadarating lang namin. Nobody was drunk. Nobody was even tipsy. Ang sasakyan niya is yung owner na jeep yung lowered, typical. May dumating, nagtataka kami bakit mayroong… akala namin pulis. Tapos pumarada siya na nakaharap yung headlights sa’min,” aniya.



“Isa lang yung bumaba. Naka-fatigue [na outfit]. Mayroon siyang sidearm at mayroon siyang M-16. Medyo heavy set. Siyempre akala namin pulis so lumapit na yung isa sa amin. Yung nambobola pa, yung tipong: ‘Chief, sorry!’ Pero wala. He did not even give us any chance na mambola,” dagdag pa nito

“Hindi! Atras ka diyan, tumayo kayo diyan. Kayo, babarilin ko kayo,” ayon daw sa lalaking dumating

“Natakot kami. Nung sinabi nya yun, alam na namin na hindi ito pulis. Walang sinabi na violation. Nakatutok yung M-16, hindi naka-uniporme.”  Dagdag pa ni Jesse

Matapos daw ang ilang sandal ay pina-pila ang grupo nila ng lalaking armado.



“Kayo mga bagets kayo dito ha. Alam nyo ba kung anong gagawin ko dito sa mga babae na ito? Ire-regalo ko sa boss ko,"  kwento pa ni Jesse

Nagtangka pa umano siyang kausapin ang lalaki pero natutukan siya nito ng M-16 sa dibdib.

Di nagtagal, nag signal na ang isa pang lalaki na nasa loob ng sasakyan para umalis, na ayon kay Jesse ay hindi din nila nakita dahil sa liwanag na nagmumula sa headlights.

“Bumusina [yung lalaki sa loob ng sasakyan]. Hindi namin nakita. Sinignal-an lang siya with his hand. Hindi namin kita kasi the headlights were bright.



"Blinded kami so hindi talaga kita. Tin-ry na i-start yung sasakyan kaso hindi mag-start. Tinawag niya kami tapos tinulak namin [yung sasakyan],” ani Jesse.

Mabilis na rin daw silang umalis sa lugar na iyon dahil sa takot.

At makalipas ang dalawang taon, nangyari kay Allan at Eileen ang karumal-dumal na pagpatay at pang ggahasa.

Habang pinapanood daw ni Jesse sa balita ang nangyari sa dalawa ay naalala niya ang lalaking nakasuot ng uniporme ng militar at nakasaad sa namepatch nito ang: “R. Corcolon.” Isa rin umano ito sa mga itinurong suspek noon na nakita ni Jesse na kasama ni Antonio Sanchez sa balita – si Rogelio “Boy” Corcolon.



"Nung pinresent as a suspect yung Corcolon brothers, I remember nasa bahay ako. I’m watching TV… tapos nung hinarap nakita yung magkapatid – si Boy Corcolon. Napatalon ako sa kama ko, sabi ko sa misis ko: ‘Eto yun, this is the one. This is the guy that harassed us,’” ani Jesse

“Nanlamig ako. Kinilabutan ng husto. Wala akong gustong sabihin kundi: ‘That’s him,’” dagdag pa niya.

Ayon kay Jesse, possible umanong hindi sina Eileen at Allan ang mga naging unang biktima.

“I believe Eileen and Allan were not the first. I believe his men are on the hunt for some time,” aniya.
 
Kung matatandaan, sinabi ng mga witness na isang “regalo” si Eileen para sa boss na dumukot dito, kapareho nang nasambit ng lalaking nakaengkwentro nila Jesse noon sa mga babaeng kasama nila sa tambayan.



Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments