compiled photo from Trending Nationwide Facebook page (ctto) |
Kamakailan ay naging viral sa social media ang pananakit at
paninira ng sasakyan ng isang lalaki at iba pa nyang kasamahan sa isang Grab
driver sa Quezon City.
Nagsimula ang pagtatalo ng lalaki at ng grab driver dahil umano
sa iginigiit ng driver ang patakaran ng Grab tungkol sa pagkuha ng pasahero at
kung ilan ang dapat na bilang nito.
Ang nasabing pagtatalo ay nauwi sa sakitan at paninipa ng
sasakyan ng grab driver, hanggang sa naaresto na nga ang lalaking nanakit at
ang kasamang babae nito.
Kasalukuyang nakakulong si Jan Jervi Mercado at ang girlfriend
nitong si Rhea Sangil. Dahil sa pag-atake sa Grab
driver na si Reynaldo Tugade. Nangyari ang pananakit sa Barangay Del Monte,
Quezon City noong Lunes.
Kasong physical injury and malicious mischief ang isinampa
laban kay Mercado, habang physical injury naman ang isinampa sa kaniyang
girlfriend.
Ayon sa suspek, nagsisisi naman daw sya nangyari, ngunit,
muli nyang iginiit na hndi siya ang nag-umpisa ng gulo.
Umaasa si Mercado, ang lalaking nanakit sa Grab driver at
nanipa pa ng sasakyan na magkakaayos din sila ng biktima.
Gayunpaman, ayon kay Mercado, si Tugade ang nagsimula ng
away. Nagalit lamang daw siya dahil tinulak siya ng Grab driver. Dagdag pa
niya, dinuro at minura ni Tugade ang kanilang grupo.
"Prinovoke niya
lang din ako na suntukin ko siya e," giit ni Mercado, at sya daw ay tinulak
ni Tugade.
"Pinagduduro
niya [ko] tapos pinagmumura niya yung mga kapatid ko, tsaka yung sasakay sa
kaniya na mga babae, tiyahin ko, kaibigan ng girlfriend ko tsaka girlfriend
ko," paliwanag ni Mercado.
Pero itinanggi naman ito ni Tugade at tinawag na sinungaling
si Mercado tulad ng sinabi nito at nakuha sa video na isang Grab driver din daw siya.
Ngunit ayon sa panayan ng GMA news, pinagsisihan na umano ni
Mercado ang nagawa niyang gulo.
"Hindi ko naman
pinagmamalaki yun sir, pinagsisisihan ko din naman yun, kaya nga nandito ako
ngayon sa loob e. Una pa lang mapagkumbaba na, moral lesson, yun lang
sir."
Sa kabila nito, nanindigan ang Grab driver na hindi siya
magpapaareglo sa kampo ng mga nanakit sa kanya.
"Huwag na niya akong aregluhin para ano, kasi 'pag nagsalita siya
ng areglo-areglo, sisingilin kita nang hindi mo kayang bayaran." Sabi ng
Grab driver.
Iginiit ni Tugade ang polisiya ng Grab sa passenger limit, at
bilang pagsunod sa pamantayan sa kaligtasan ng mga car manufacturers, ang Grab
Cars ay maaari lamang tumanggap ng hanggang sa 4 na pasahero, kasama sa bilang
ang bata, at panglima sa bilang ang driver.
Source: KAMI
1 Comments
Sira ulo niyang si Mercado. Gusto mong maniwala kami sa sinasabi mong inumpisahan ng driver ang gulo? Paano mangyayari yun kung nasa lugar ninyo siya, isa pa, marami kayo?
ReplyDelete