Photo courtesy of Rappler |
Kamakailan ay nabalitang nahuli sa isang buy-bust operation
ang sikat na fliptop rapper na si Loonie o Marlon Peroramas sa isang
condominium sa Makati.
Kasama ni Lonnie ang kanyang kapatid na babae at dalawang
pa, sa nasabing entrapment operation na isinagawa ng Makati police.
Nasabat sa kanila ang high grade na Marijuana na kilala sa
tawag na “Kush” na nagkakahalagang P100,000. Lingid sa kanilang kaalaman na isa
palang undercover na pulis ang kanilang napagbentahan.
Mariin namang itinanggi ni Lonnie ang nasabing pagkakahuli sa
kanila at kanyang sinabi na planted lamang ng mga pulis ang nasabing
entrapment operation laban sa kanya.
Ngayong araw ay naglabas na ang Makati Prosecutors Office at
opisyal nang kinasuhan si Loonie at ang kanyang kapatid at tatlo pang mga
kasama.
Nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 ng Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 o ang pagbebenta ng iligal na droga. Non-bailable
ang nasabing kaso.
Sinampahan din ng kaso sina Loonie t kanyang mga kasama ng
paglabag sa section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ito naman
ay ang pag-gamit ng iligal na droga.
Mayroong P3,000 na pyansa ang inirekomenda
para sa mga akusado.
Samantala, pinayagan naman ng korte na makalaya ang driver
ni Loonie dahil sa karagdagan pang imbestigasyon para dito.
Source: KAMI
0 Comments