Photo from South China Morning Post (ctto) |
Isang babae sa China ang nagreklamo dahil sa nakakadiring karanasan nila ng kanyang anak sa McDonald's kung saan ay muntik na niyang mapakain dito ang fried chicken doon na may malalaking hibla pa ng balahibo.
Ayon sa ulat ni Lauren Chen ng South China Morning Post, nakakailang subo na ang customer na si Zhou sa kanyang anak bago niya mapansin ang kakaibang toppings ng chicken Mcdo.
“A chicken wing overgrown with feathers was fried and then sold, to be sent straight into a child’s mouth!” ayon sa post ni Zhou sa kanyang social media account kasama ang larawan ng manok.
“My child is now having nightmares, and whenever she eats she retches,” dagdag niya
Ayon din kay Zhou ay inalok siya ng Mcdo ng halagang 10 beses higit sa presyo ng chicken McDo pati na rin ang perang US$45 ngunit ito ay kanyang tinanggihan.
Sa halip, diretso na siyang nagreklamo sa local food safety administration sa Beijing.
Sa hiwalay na ulat naman, sinabi ni Zhou na nakakain na ng tatlong chicken Mcdo ang kanyang anak na kanilang nabili sa McDonald's branch sa Guangshunbei sa Beijing bago nadiskubre ang nakakadiring parte na ito.
Source: KAMI
0 Comments