Compiled photo from Kami and Dyaryo Bomba (ctto) |
Siyam ang nasawi sa naipaulat na plane crash sa Barangay
Pansol sa Calamba City, Laguna , noong nakaraang Linggo, Setyembre 1, kasama
ang mag-asawang mula sa New Zealand na magbabakasyon lang sana sa Pilipinas.
Ayon pa sa ulat, Magdiriwang sana ng kanilang kaarawan ang
mag-asawang Erma at Tom Carr, isang New Zealander, ngayong Setyembre.
Sa di unaasahang pagkakataon, nakitaan si Mr. Tom Carr ng
bukol sa ulo, kaya’t nagpasyang magpapagamot na lamang muna sa Maynila.
Lulan ng BE350
medical evacuation aircraft with registry number RP-C2296, sa di inaasahang
pangyayari, pinutol ng isang malagim na trahedya ang dapat sana'y pagdiriwang
ng kanilang kaarawan nitong Linggo.
Kwento pa ng kapatid ni Erma na si Sonia Rodrigo, na-admit
si Tom sa isang ospital dahil nahirapan itong maglakad noong Agosto 26.
Agosto 30 nang ma-admit muli ito nang ireklamong hindi
maigalaw ang kalahati ng katawan ni Tom.
Sumailalim sa CT scan ang Kiwi, at nadiskubreng may bukol
ito sa ulo kaya inirekomenda ng doktor na ito’y maoperahan. Papunta sana ang
mga ito sa St. Luke's hospital sa Maynila mula Dipolog.
Ngunit ayon sa ulat, bumiyahe pa rin ang mag-asawang Carr
kahit walang pahintulot ang dalawang doktor ni Tom. Pumirma raw ng waiver si
Erma para magamit ang health insurance ni Tom sa lilipatang ospital sa Maynila.
Dumating ang mag-asawang Carr sa bansa noon pang Marso 20 at
babalik na sana sila sa New Zealand ngayong Setyembre 20.
Napag-alaman na kahapon, Setyembre 2, ang kaarawan ng
kanilang kaisa-isang anak na si Vincent Carr na naiwan ngayon sa New Zealand. Mabuti
na lamang at hindi ito sumama sa bakasyon ng kanyang mga magulang dito sa
Plipinas.
Source: KAMI
0 Comments