Mayor Isko Moreno, sinagot ang katanungan kung interesado siyang maging presidente ng Pilipinas



Manila Mayor Isko Moreno / photo courtesy of Rappler


Kamakailan ay na-imbitahan si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, sa St. Scholastica’s College, bilang isang panauhing pangdangal at naatasan ding magbigay ng inspirational speech sa nasabing okasyon.

Matapos lamang ng halos tatlong buwang panunungkulan bilang alkalde ng Maynila, mabilis umingay ang pangalan ni Mayor Isko sa publiko dahil sa mga nagawa nito sa lungsod.



Labis na hinangaan ng marami sa ating mga kababayan ang dating artista at ngayo’y isa ng Mayor ng kamaynilaan.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay humanga rin sa ipinakitang husay sa pamumuno ni Yorme Isko na una nang naibalita.

At sa kanyang pagbisita sa St. Scholastica’s College, may isang estudyante mula sa nasabing eskwelahan ang nagtanong kay Mayor Isko at ito rin ang katanungan na matagal ng gustong itanong ng karamihan kay Yorme: 



Kung may pagkakataon po kayong (Mayor Isko) mapili na maging presidente ng Pilipinas, nais nyo po bang tanggapin ang pagka Presidente ng Pilipinas? tanong ng estudyante.

Sa kanyang paunang sagot, aniya ni Moreno na hindi niya pinangarap ang maging presidente ng bansa at sa halip ay ninais daw niyang maging seaman o kapitan ng barko para maka-ahon sa kahirapan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sya ay nakapag-artista, at dahil sa mga blessings na kanyang natanggap, naisip niyang dapat ibalik ang mga blessings na natanggap sa kanyang mga kababayan.



“Will I wish to become a President? I don’t know… why? I don’t know yet… will I qualify as a President? my answer is no,” sabi ni Moreno.

“Why? Wala pa naman akong ginagawa sa Maynila eh. Will I use my fame? Take advantage of it because your popular?” dagdag pa nito.

Para raw kay Mayor Isko, ginagawa lamang niya ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang lingkod bayan.



“I know maybe you are frustrated already. Am I qualified? I don't know. I think not yet. Because what I’m doing here is just basic governance, well if there’s one good thing, thank you very much,”  sabi ni Mayor Isko.

Prayoridad daw ni Yorme na ayusin ang Maynila kung saan siya nanunungkulan at hindi sya naghahangad ng mas malakas na kapangyarihan.

“Before I talk about politics or aspire for a better, bigger position, I think harapin ko muna... kung anong mayroon ngayon… dahil kung kapangyarihan lang eh mas makapangyarihan ang Presidente kaysa sa Mayor ng Maynila kung ang pagnanasa ang gagawin mo eh yun ang naisin ko,” dagdag pa nito.



Kahanga-hanga ang naging mga pahayag ng alkalde kaugnay sa pagkagahaman sa kapangyarihan gaya ng ibang mga politiko.

“Pero diyan maraming nagkamali, sa sobrang pagnanasa… dahil walang kabubusugan… kapag walang kabubusugan, ang kabusugan hindi lang pagkain, hindi lang yan salapi, pati kapangyarihan… may mga taong matatakaw sa kapangyarihan,” sabi pa ni Mayor Isko.

Sa kabila ng maraming humahanga sa kanyang kahusayan at kasipagan bilang alkalde ng Maynila mula pa nang sya ay manungkulan, nilinaw ni Domagoso na hindi sya naghahanda para sa darating na halalan sa 2022.


“I swear to God, since July 1, what we have been doing has nothing to do with 2022, it’s all about the chaos, the problems and challenges of the city of Manila we are facing and the people of Manila is suffering,” sabi pa nito.

Mapapanood ang video ng speech ni Mayor Isko mula sa Facebook page na Raffy Tulfo Supporters.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments