Mga pasahero ng MRT naantig ang puso sa kapwa pasaherong may stage 3 Leukemia, nag-ambagan para sa pagpapagamot nito.



 
photo from Ă…cdhiRr Ailnv Diaz Facebook post (ctto)


Manila, Philippines - Viral ngayon ang kwento ng isang pasaherong sakay ng MRT na may stage 3 Leukemia na nakaantig sa puso ng kapwa nya kasakay sa tren.

Ang nasabing pasahero ay papunta ng GMA 7 upang makahingi ng tulong pinansyal at medical para ipangtustos sa kanyang karamdaman.



Makikita sa larawan ang isang lalaking nakaupo at may hawak na bag at papel sa kanyang kanlungan at kinakausap sya ng isang lalaking naka-gray kung ano ang sakit nito na agad ding narinig ng iba pang mga pasahero ng nasabing MRT.

Ayon sa netizen na si Ă…cdhiRr Ailnv Diaz, kanyang nasaksihan kung papaano naantig at kusang nagtulong-tulong ang mga tao sa kapwa nilang nangangailangan. 

Sobrang nakakataba ng puso ang ginawa ng mga kapwa pasahero ng MRT sa kasakay nilang mayroon pa lang stage 3 leukemia.



Agad naglabas ng kaunting halaga ang mga pasahero sa maliit na halagang kanilang nakayanan nang kanilang marinig ang kalagayan ng lalaki.

Dahil dito, nakalikom ang lalaki pangdagdag para sa kanyang lab test, pagkain at pamasahe bago pa man sya makababa sa kanyang destinasyon.

Hindi man kalakihan ang halaga nito, ngunit bukal sa kanilang mga puso ang pagtulong sa kapwa na nangangailangan ng suporta.

Bago ito bumaba ng tren, di alintana ng mga pasahero ang abala bagkus, siniguro pa ng ibang mga sakay na maalalayan ito ng guwardiya upang maayos na makabalik sa Manila Doctor's hospital.


Ayon pa sa netizen, isa lamang daw itong patotoo na di pa rin nawawala ang pagkakawanggawa, malasakit at pagkakaroon ng ginituang puso ng mga Pinoy sa oras ng pangangailangan.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments