Photo courtesy of abs-cbn |
Manila – Sa kalaboso ang bagsak ng isang lalaking nagpapanggap na dentista sa isang clinic sa Recto Avenue, Manila nitong Miyerkules.
Ayon sa report ng ABS-CBN, naglakas loob ang naging biktima at
isinumbong sa pulisya ang kamunduhang ginawa sa kanya ng pekeng dentista na
kinilalang si Rogelio Melgar Jr.
Salaysay ng biktima, nagpapasta raw ito ng ngipin sa
clinic ni Melgar, ngunit laking gulat ng biktima nang biglang pinapatanggal ang
kanyang pang-ibaba kasuotan.
Dagdag pa ng biktima, sinabi ni Melgar na mayroon daw itong
hahawakan sa kanyang katawan na siyang makakapag-aalis ng sakit ng ngipin ng pasyente.
Kinuha naman ang pahayag ng Philippine Dental Association
(PDA), ayon kay Dr. Narisa Ragos, nakagraduate naman ng dentistry si Melgar ngunit di
ito nakapasa sa board exams.
“Pagpasta po sa kaniya, ang sabi ay siya ang maghubo at meron daw po kakapain sa maselang bahagi ng katawan niya,” sabi ni Ragos ayon sa salaysay ng biktima.
“‘Pag ito daw po ay pinahipo doon sa dentista, mawawala daw po ‘yung sakit ng ngipin niya.” dadag pa nito.
Agad sinugod ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at
ilang representante ng Philippine Dental Association (PDA) ang suspek na
kasalukuyang nagsasagawa ng dental procedure sa nasabing klinika nito.
Ayon sa imbestigasyon ng PDA, limang taon nang nagki-clinic
sa Recto Avenue, Manila si Melgar.
May lisensiyadong dentista ang naturang klinika na pinapasukan ni Melgar, ngunit nang magretiro ito ay kanyang itinuloy parin ang operasyon doon.
Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek na sinampahan ng
reklamong acts of lasciviousness at paglabag sa code of ethics for
dentists.
Panooring ang buong report ng abs-cbn:
Source: KAMI
0 Comments