Adam Hergenreder (R) compiled photo from CNN and Vaping360 (ctto) |
Usong-uso ngayon ang pagve-vape o ang electronic cigarette
na tinatawag lalung-lalo na sa mga kabataan di lamang sa ating bansa maging sa
iba’t-ibang parte ng mundo.
Marami ang nahuhumaling dito dahil bukod sa inaakalang mas
ligtas ito kesa sa tunay na sigarilyo, ay mayroon pa itong iba’t-ibang flavor
na masarap langhapin.
Isa na rito ay ang 18 taong gulang na si Adam Hergenreder
mula sa Amerika, na dahil sa kanyang vape o e-cigarette na syang muntik ng maging dahilan
ng kanyang kamatayan.
Dahil sa paggamit nya ng vape, ang kanyang baga bilang
isang teenager, ngayon ay parang baga na ng isang 70-anyos na matanda.
Hindi siya makapaniwala sa naging epekto nito sa kanyang
katawan dahil mahigit isang taon pa lamang niya itong ginagamit ay ganito na kalala
ang naging epekto sa kanyang kalusugan.
Ayon sa ulat ng CNN, sa loob lamang ng mahigit isang taon na
paggamit ng vape ni Adam, ang baga niya ngayon ay parang baga na ng isang
70-anyos na matanda ayon sa mga doktor.
Napag-alaman nila ito matapos siyang ma-ospital at nakita
ang epekto ng vape sa kanyang katawan. Hirap syang huminga at halos hindi
makakilos.
Isa lamang si Adam sa mahigit isang daang biktima ng
paggamit ng vape sa USA, na hanggang sa ngayon ay hindi pa mapangalanan ang
misteryosong sakit na ito.
Labis na nakakabahala ito dahil sa mabilis na pagtaas ng
bilang ng mga kabataang tinatamaan ng sakit na ito dahil sa labis na paggamit
ng vape. May naitala ng anim na namatay dulot ng sakit na nakukuha sa vaping.
At nakakalungkot isipin na maraming kabataan ang nag-akalang
mas ligtas gamitin ang vape kaysa sa aktwal na sigarilyo.
Ayon pa kay Adam, mas
napaparami ang pagkonsumo niya nito araw-araw dahil sa malayo ang lasa nito kaysa
sa sigarilyo dahil sa mga flavors nito.
Nagsimula lamang ang kanyang karamdaman sa panginginig, pananakit
ng sikmura at labis na pagsuka, at tumagal ito ng tatlong araw bago siya
nagpakonsulta sa doktor.
Agad sumailalim sa x-ray si Adam, at ayon sa mga doktor base
sa x-ray, makikita na, 'full damage' na ang kanyang mga baga.
Buti na lamang at nagpasya nang magkonsulta sa doktor ang
mga magulang ni Adam at Kung hindi pa ito nadala agad sa ospital, ay pwedeng bumigay
na talaga sana ang baga nito at kanyang ikamatay.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagpapagaling si Adam at
patuloy niyang binabahagi ang kanyang karanasan upang magsilbing aral na rin
ito lalo na sa mga vape users at mga naninigarilyo.
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa “The Journal of the
American College of Cardiology” noong Mayo, nadiskubre na ang mga flavors
ng e-cigarette ay nakakasira ng mga cells sa ating mga ugat.
Binabago rin nito
ang blood flow sa ating katawan na syang may masamang epekto kahit na sa mga
malulusog na tao gaya ni Adam, ayon sa isa pang pag-aaral na naipublished sa “the
Journal Radiology”.
Source: KAMI
0 Comments