Among nagpasahod ng puro barya, inerereklamo. netizens umalma!


Photo courtesy of Facebook




Naglabas ng hinaing ang isang netizen ang diumano'y pagpapasahod ng isang employer ng puro barya sa kanyang mga trabahador.

Ayon sa uploader na si Sharon Tinio Ruivivar, umabot sa halagang 6,337 ang sinahod ng kanyang mga tauhan ngunit ito ay mga baryang piso at 25 centavos.



Reklamo pa ni Sharon, imbes na magamit na lamang agad ng mga empleyado ang perang kanilang pinagtrabahuhan, kinailangan pa muna nila itong bilangin.

Sa kabila nito, nagpasalamat pa rin ang netizen dahil nasa minimum wage naman daw ang pinapasahod nito.





Samantala, sa gitna ng mga pambabatikos ng mga netizens, nagpaliwanag ang inirereklamong employer sa comment section ng nasabing viral post sa Facebook.





Ayon naman sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi dapat lumagpas sa 1000 pesos ang baryang 1, 5 at 10 pesos pag ibinayad,  at hanggang 100 piso lamang sa baryang 1, 5, 10 at 25 sentimo.

Ito ay ayon sa CIRCULAR NO. 537 Series of 2006 ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pursuant to Section 52 of Republic Act No. 7653 and Monetary Board Resolution No. 862 dated 6 July 2006, the maximum amount of coins to be considered as legal tender is adjusted as follows:
  1. One thousand pesos (P1,000.00) for denominations of 1-Piso, 5-Piso and 10-Piso coins; and
  2. One hundred pesos (P100.00) for denominations of 1-sentimo, 5-sentimo, 10-sentimo, and 25-sentimo coins.
Samantala, samu’t-saring komento naman ang ipinaabot ng mga netizens tungkol sa pangyayari:



“walang naman mawawala sir kung magpapakumbaba ka kahit ano man ginawa nila.. cguro namn mas may pinagaralan kana man sa kanila kaya naabot muyang ganyang buhay.. kaw lang din gumawa ng sarili mong gulo…”

“kung totoong tatamad tamad at magnanakaw edi may sapat syang dahilan paratanggalin dba? jusko nmn. lakas trip lng yan e, pwedeng ayaw mgbigay ng 13th month, o bonus, o ayaw mag regular.. o may sira sa utak .“



“Kung ako yan ikinalat ko yan sa loob ng shop nya ng xa ung napgod kakapulot nyan takte na yan.”

“you seemed to be well educated. Ang issue ay ang pagiging inconsiderate mo na imbes na pag uwi ibibili nalang ng needs ang sahod nila pero dahil 1peso coin & 25c ang binayad mo nag cause ka ng abala and for sure you know its consequences. Di ka po aware about sa policy ng BSP dito? They worked for that 6K+ naman eh magbayad ka ng tama. Nagpapaka smartass ka pa to defend yourself. Sarap mong hampasin ng barya eh. Ginagago mo yung mas mababa sayong bobo ka!”



“Alam nyo bago kayo maging judgemental alamin nyo mna both sides of the story..Baka nga mas matindi pa gnawa ng mga yan kaya ganyan gnawa nung tao sa kanila. Kng ako gawan ng ndi maganda, baka ndi ko pa paswelduhin mga yan.“




Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments