Ang estudyanteng si Angela Perez kasama ang nagsilbing guardian na pulis at si chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar / photo credit to Manila Bulletin
|
Manila, Philippines – Nag trending sa social media ang isang pulis na si Claro Fornis dahil sa kanyang kabutihan sa isang grade 7 student na nangangailangan ng tulong dahil nakakulong ang kanyang mga magulang.
Nagsilbing guardian si Fornis sa isang 14 anyos na anak ng drug suspect na inaresto nya. Wala na pangtustos sa pag-aaral ang nasabing dalagita mabuti na lamang at tinulungan sya ng pulis na sya ring umaresto sa kanyang ina.
Hindi natiis na tulungan ang bata
Hindi natiis na tulungan ang bata
Parehong nakakulong ngayon ang mga magulang ng Grade 7 student na si Angela Perez at wala ibang kamaganak na gustong umako ng responsibilidad upang maging guardian niya, ayon sa report ng ABS-CBN News.
Ibig sabihin nito ay hindi sana makakapagaral si Angela ngayong school year. Kaya kinausap niya ang nasabing pulis na umaresto sa ina upang humingi ng tulong.
Hindi naman nabigo ang dalagita at agad naman siyang tinulungan ng kahanga-hangang pulis.
“Pag involved ang bata, nadudurog yung kalooban ko pag nasasaktan, naaapi yung mga bata."
“Nung nagtapat sa akin yung bata, hindi ako nag-alinlangan na tulungan siya,” sabi ni Fornis sa interview ng ABS-CBN News.
Kasama ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang estudyanteng si Angela Perez. |
Papuring komento mula sa mga netizens
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa ginawa ng pulis at umani ng papuri ang nasabing pulis. Narito ang mga komento ng mga Netizens:
“Salute to the PNP officer and Gen. Eleazar. God Bless you Both.”
“Salute to you sir sna dumami pa ang police na katulad mo”
“Dapat ganito mga pulis good job sir”
“YAN ANG TUNAY NA PULIS. HINDI PURO YABANG”
“This is the kind of police we'd like for the Philippines, someone who has a good reputation. It's high time for policemen to bring back dignity to their names.”
Pinarangalan at kinilala naman ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang kabutihang ginawa ni Corporal Fornis,
Si Angela Perez at ang naging guardian na pulis na si Claro Fornis / larawan mula sa ABS CBN |
Pinarangalan at kinilala naman ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang kabutihang ginawa ni Corporal Fornis,
“I was touched by the gesture of Police Corporal Fornis. Being the father of the NCRPO, sabi ko dapat ito ang mga nare-recognize (these kind of officers should be recognized),”
“Maaaring hindi na nakikita ng publiko itong mga simpleng kabutihan ng mga pulis dahil minsan hindi newsworthy, pero kung makita naman natin ang ating mga pulis, may mga pamilya rin sila kaya nakakarelate sila sa sitwasyon ni Angela (The public might not see these simple acts of kindness by our cops since perhaps it’s not newsworthy. But these cops have also families and they can relate with Angela’s situation),” sabi ni Eleazar
0 Comments