Sa pagtatapos ng kaso ni tatay ang lalaking
inakusahan ng panghihipo sa e-jeep. Naisampa na ang kaso sa mga taong sangkot
sa pananakit sa kanya noong nakaraang linggo.
Ani ni tatay Alex, pinapatawad nya na ang mga taong nanakit
sa kanya ngunit nais nya pa ring turuan ng leksyon ang mga ito, kaya buo ang
pasya ni tatay Alex na itutuloy nya ang pagsampa ng kaso
laban sa mga salarin.
Kasong Physical injury ang isasampa sa mga sangkot sa di
umano'y nambugbog kay tatay Alex.
Mapapanood sa part 7 ng mga episode ng harapan kay Idol
Raffy, kinamusta ng staff ni Sir Raffy
ang kalagayan ni tatay Alexander, nilahad din ang mga pangalan ng mga kakasuhan
mismo at kung anong kaso ang kakaharapin ng mga ito.
Muli rin silang bumalik sa barangay hall ng Bambang sa Taguig
upang patuloy na masubaybayan ng programa ni Tulfo ang kasong ito.
Napag-alaman ng staff ni Sir Raffy, ang balitang lumipat na raw
ng bahay ang babaeng sangkot Linda at pamilya nito.
Ayon sa mga kapitbahay, bukod sa kahihiyan ay marami din daw
galit sa pamilyang ito dahil sa nagawa nila sa walang kalaban-laban na matanda.
Kaya naman biglaang nag-alsa balutan ang pamilya ni Dimple,
ds kstunayan nga ay may nagkumento pa na matatapang at mayayabang nga raw ang
pamilyang yan at dapat lang na kasuhan.
Samantala, binigyan din ni Atty. Villamor ng
kaunting pang-kabuhayan package para naman sa pantustos sa mga pangangailangan
ni tatay Alex habang hindi pa sya makakapasada dahil sa pambubugbog sa kanya.
Source: KAMI
0 Comments