Photo courtesy of Youtube |
Sikat sa social media ngayon ang video ng grupo ng mga nanay
na swabeng swabeng sumasayaw ng sikat ng tugtuging ‘Buduts”.
Sobrang nakaka-aliw panoorin ang nasabing video kaya
naisipan ng netizen na si Janice Alboroto na i-upload sa Facebook ang video
noong Oktubre 3.
Sa loob lamang ng ilang araw mula ng i-upload ito, agad na umabot
sa 5.4 million ang views na ito, at sa kasalukuyan ay nasa 6 million views. Umani
rin ito ng halos 35,000 na mga komento.
Sa umpisa, isang babae lamang ang todo hataw na sumasayaw,
maya-maya pa’y naki-join ang iba pa nyang mga kapit-bahay na di nagpahuli sa pagsayaw
ng ‘Buduts’.
Ramdam mo ang kasiyahan ng mga magkakapit-bahay, habang
sumasayaw at may kahalo pang tawanan at tila pagalingan pa sa pag-giling sa
tugtog.
Sikat na sikat ang tugtoging ‘Buduts’, marami kang
mapapanood na videos kung saan ay umiindak mapa-bata, matanda, mga artista at
kahit pa nga politiko ay di pinalampas ang magshare na kanilang version ng ‘Buduts’.
Talaga namang naaliw na mga netizens dahil sa nakaka-good vibes
na video na ito. Ang ilan pa nga ay nagsabing, gagayahin nila ito para pantanggal
stress sa araw-araw nilang ginagawa.
Maraming netizens ang nagkomento sa video narito ang ilan:
"Ang galing nina
ate! parang mga walang problema chill lang..."
"Tama yan mga
momshies, pantanggal stress"
“Their smile gives me
hopes na khit na mhirap dpat masaya pa rin..ok na din to kysa nman nag
chismisan...khit mhirap ang buhay wag natin hadlangan na magiging
masaya....simpleng buhay pro masaya....:-)”
"Lakas trip ang
mga beshies na ito, hahahahahaha"
"Nakakatuwa nmn
ang saya saya nila habang pinapanood ko naka ngiti lng ako tanggal stress"
"Ganito rin nga
gagawin ko pag sobrang stress na ako sa buhay"
Source: KAMI
0 Comments