Viral ngayon sa social media ang isang video ng traffic enforcer
na nakikipagtalo sa isang taxi driver na magsusugod sana ng pasyente sa ospital
na kanyang hinarang dahil umano sa traffic violation.
Ayon sa balita ng GMA News, hinarang ng traffic enforcer ang
nasabing taxi matapos itong mag-u turn sa hindi tamang lugar para mag-u turn.
Bagaman nagpaliwanag naman ng taxi driver sa nagawa, anito ginawa
lang daw niya iyon para agad na makuha ang pasyente at maisugod sa ospital.
Kwento naman ng uploader, tumawag sila ng ambulansiya para
sa kanyang amang pasyente upang maisugod ito sa ospital ngunit hindi naman
dumating kaya tumawag na lang sila ng taxi.
Mapapanood sa video kung paano hirap huminga ang pasyente,
at nangangailangan na nang agarang atensyong medical.
Subalit sa halip na palusutin ng traffic enforcer ng taxi dahil
sa ito ay emergency case, tumawag na lang ng isa pang ambulansiya ang enforcer
na siyang nagdala sa pasyente sa ospital.
Ngunit umabot pa ng halos isang oras ang pakikipagtalo ng
enforcer sa taxi driver at sa uploader bago naisugod sa ospital ang kawawang
pasyente.
Napag-alaman na pagkalipas lang ang ilang araw matapos ang
insidente ay pumanaw na ang pasyente.
Panoorin ng actual na balita ng GMA News:
Source: KAMI
0 Comments