Actual na kuha mula sa loob ng eroplano ng PAL habang nag aapoy, viral na

Pinagsama samang larawan mula sa video footage


Isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) ang napilitang bumalik sa Los Angeles International Airport (LAX) magkaroon ng problema ang makina nito noong Biyernes.

Ang balitang ito ay kinumpirma ng PAL, kung saan ayon sa pahayag, ang Flight PR113 – ay umalis mula sa LAX patungong Maynila, Pilipinas, ay nakaranas ng problema sa ilang sandali matapos ang pag-alis.



Sinabi naman ng flag carrier ng Pilipinas na walang naitalang pinsala, na tinitiyak ang lahat ng 342 na pasahero at 18 na tauhan na nakasakay sa Boeing 777 na sasakyang panghimpapawid ay ligtas.

"It cannot be denied that they were alarmed by what they saw, but the pilot safely landed the aircraft. In fact, based on the report of the captain, the passengers burst into applause upon landing," ayon sa pahayag ng spokesman ng PAL na si Cielo Villaluna.

Isa pasahero naman ang nagbigay din ng kanyang testimonya tungkol sa pangyayari.
Ayon kay Geri Camahort Lamata, isa sa mga pasahero sa flight, maririnig umano ang malalakas na ingay mula sa labas bago pa lamang mag take off ang eroplano.



"The plane jolted with every loud bang. Next thing we knew, a FA [flight attendant] from behind ran to the front to talk to the purser and that's when I definitely knew something was wrong. It stopped shortly after and the pilots right away announced that we had engine problems but that everything was under control and then they landed the plane safely," ayon sa kanyang pahayag na binigay sa CNN Philippines.

Samantala, kumakalat din ngayon sa social media ang actual na kuha ng eroplano habang ito ay nag aapoy sa labas.


Ang pangyayari ay nakunan ng isa sa mga pasahero at binahagi sa pamamagitan ng Manila Bulletin online.


Post a Comment

0 Comments