Aquino on cauldron issue: We could have built a cheaper SEA Games cauldron

Former President Benigno Aquino III/photo courtesy of Manila Bulletin



Pinaalalahanan ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang gobyerno nitong Miyerkules ng wastong paggastos sa gitna ng matinding backlash sa P50-milyong kaldero na gagamitin para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Sang-ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi ni Aquino na dapat unahin ng gobyerno ang mas mahahalagang proyekto tulad ng pagtatayo ng mas maraming silid-aralan sa halip na gamitin ang pondo para sa isang kaldero na gagamitin lamang sa loob ng ilang araw.



“Ako sang-ayon ako sa sinabi ni Senator Drilon, pwede tayong maglagay ng ganyang simbolo para dun sa Games na hindi naman agnun kamahal,” Ayon sa sinabi umano ni Aquino sa mga reporters.

“Ang prioridad ‘yata hindi itong Games na ilang linggo (lang). Baka mas prioridad ‘yung pinag-aral natin ‘yung mga bata,” dagdag ng dating Pangulo

Nitong Lunes lang ay kinuwestyon ni Senador Franklin Drilon ang pag gastos ng P50 milyon para sa pagpagawa ng higanteng torch ng SEA Games.



Pinagtangggol naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano, namumuno sa grupo na namamahala sa pag host ng SEA Games sa bansa. Ayon sa kanya, ang proyekto ay “likha ng sining.”

Samantala, para naman kay Pangulong Rodrigo Duterte, walang katiwalian sa proyekto dahil ang cauldron ay “product of mind”.



“You cannot debate with a painter. You create a symbolism of the athletic activity. That is the mind of… Nothing is extravagance there,” ayon sa Pangulo.


Source: Inquirer





Post a Comment

0 Comments