Banat ni Lagman kay Duterte: 'Ayaw nya magtagumpay si Robredo sa kung saan siya nabigo'




File photo mula sa Politiko


Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte si BIse Presidente Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) matapos ang dalawang linggo dahil masyado umano sineseryoso ng huli ang kanyang trabaho.

Naniniwala din si Lagman na sa simula pa lang, naka set nang pumalpak si Robredo.



“The mistake of Vice President Leni Robredo is that she took her role as anti-drugs czar very seriously while President Rodrigo Duterte considered her appointment as a flippant joke and an off-the-cuff reaction to her criticisms on his bloody war against drugs,” ani Lagman

“From the very start, Robredo was set up to fail,” dagdag pa nito

Ayon sa ulat ng Politiko, sinabi ng mambabatas mula sa oposisyon na hindi kakayanin ni Duterte na magtagumpay si Robredo sa isang area na siya ay nabigo.



“The President cannot allow Robredo to succeed in his centerpiece program of a violent anti-narcotics drive where he himself has dismally failed,” Lagman said.

Sa hiwalay na ulat, binigyang diin ni Lagman na ang dalawang linggo ay masyadong maiksi para ma-assess ang bise presidente sa kanyang role, ngunit ang dalawang ay masyadong mahaba kung siya ay umano ay itinakda para mabigo.

Maliban kay Lagman, nagbigay rin ng saloobin ang kapwa niya taga oposisyon na sina senador Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.



Ayon kay Pangilinan, wang ginawa ng Pangulo ay nagpapakita lamang na wala itong isang salita.

“Malacañang did not just blink. Parang silang napuwing nang todo-todo. Umatras. Dahil sa takot at pangamba na lalo pang lumawak ang suporta kay VP Leni bunga ng mas maayos at higit na epektibong kampanya laban sa iligal na droga, agad-agad nilang tinanggal siya sa ICAD,” ani Pangilinan

Samantala, para naman kay senadora Risa Hontiveros, nakakapagtaka na nawala si Robredo sa posisyon bago pa ang mga opisyal na tulad ni Cayetano at iba pang opisyal ng gobyerno na responsable sa kontrobersya ng SEA Games 2019.


“Pero hindi rin nakakapagtaka ang tiyempo ng pagsibak kay VP Robredo. Hindi ako magugulat kung ito ay bahagi ng isang malaking tangka para ilihis ang atensyon ng publiko sa malawakang anomalya at kapalpakan ng SEA Games,” ayon sa senadora



Source: Politiko




Post a Comment

0 Comments