'Si Pasig mayor Vico Sotto ang aming ‘yorme’' - Bayan Muna



Mayor Vico Sotto / photo from ABS CBN


Ikinatuwa ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite noong Linggo ang pag suporta ni Pasig City Mayor Vico Sotto para sa mga inaresto na mga manggagawa ng Regent Foods Corporation.

Ayon sa kanya, ang bansa ay nangangailangan ng mas maraming leader na katulad ni Mayor Vico kaysa sa tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte.



“This country needs more leaders like Mayor Vico, and lesser of the likes of Duterte,” ayon kay Gaite

“This is our kind of ‘yorme’, one who is discerning, does not turn a blind eye on injustice, and sides with the oppressed. Unlike Duterte and his ilk that vilifies, jails, and murders unionists and labor leaders,” aniya

Nakikiisa umano ang Makabayan sa pahayag ng Mayor na hindi criminal ang mga nasabing mang gagawa.



“Nakikiisa kami sa pahayag ni Mayor Vico na hindi mga kriminal itong mga manggagawang nagwelga, at na makatarungan ang kanilang hinihingi na regularisasyon, disenteng sahod at nararapat na benepisyo,” anito

Sa isang matinding Facebook post, nanumpa si Sotto na tulungan ang 23 katao na naaresto sa scuffle na nangyari noong Nobyembre 9 sa marahas na pagpapaalis ng mga mangagawa ng Regent Foods.

Hiniling ni Sotto na huwag nang ituloy ang mga kaso laban sa nga manggagawa ngunit tinanggihan nina Irwin at Susan See, mga may-ari ng Regent Foods Corp.



Pinuri din ng Kabataan party-list na si Rep. Sarah Elago, ang "pro-worker statement” ni Sotto.

“Further, Mayor Sotto has further condemned the anti-labor treatment done by Regent to the 23 workers, calling out their misuse of their privileged position in suppressing the rights of the workers,” ayon sa grupo



“May Mayor Sotto serve as an example not just to every politician in the country, but to the people in calling to stand and with our workers in their ultimate struggle for improved working conditions, ending contractualization, and increasing salaries and wages of our workers,” dagdag nito


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments