Pinagsama-samang mga larawan mula sa Facebook (Kanan: kumalat na larawan ng Cambodia athletes na natutulog sa sahig) |
Matapos ang kabi-kabilang balita tungkol sa kontrobersya ng
SEA Games 2019 dahil sa di umano’y delay ng hotel accommodations para sa mga
manlalaro mula sa ibang bansa, nagsalita na ang Century Park Hotel noong Linggo ng gabi.
Ayon sa Hotel, ang ilang manlalaro mula Cambodia na naunang
dumating ay na-accommodate din agad ng mas maaga kaysa sa karaniwang 2 p.m. na oras
ng pag-check-in noong 23 Nobyembre.
Samantala, ipinaliwanag din ng hotel sa isang Facebook post na
mayroong hindi na-accommodate dahil puno pa ang hotel at ang oras ng oras ng
check-out ng mga guests nila ay 12 na ng tanghali.
Ayon din sa hotel, tinanggihan ng koponan ng Cambodia ang
kanilang alok na karagdagang mga upuan ang mga manlalaro habang naghihintay
mabakante ang kanilang mga silid. Sila ay naghintay sa mga function room ng
hotel na nagsisilbing holding areas.
Marami din umano sa manlalaro ang piniling humiga sa carpeted
na sahig kaysa mga upuang nakatalaga sa mga bisita, katulad ng nasa mga
larawang nag viral sa social media.
“We were told that team members from Cambodia were coming in
early on 23 November 2019 the night before. As much as we wanted to accommodate
the request, it was not possible due to full occupancy,” ayon sa Century Park
hotel
“Standard check out is until 12 noon. However, as early as
8:25am, some members were given an early check-in due to availability of
rooms,” dagdag nito
“We asked them if they needed more chairs but they declined,
preferring the floors so they could lie down to rest. Lunch was also served to
them accordingly,” ayon din sa statement ng hotel
At tungkol naman sa nag
viral din na di umano’y paulit-ulit ang menu, sinabi ng Century Park na ang
cycle ng menu ay alinsunod sa kasunduan nito sa mga nag-organisa ng SEA Games.
Ganunpaman, sinabi ng Century Park na ipaparating nila ang
mga nabanggit sa organizers.
Source: Tribune
0 Comments