Dalagang 21-anyos, di na nagising matapos magreklamo ng pananakit ng ulo at uminom ng Paracetamol


Larawan ni Jessica Cain mula sa KAMI


Ang pag inom ng gamot o paracetamol tuwing sasakit ang ulo at kapag nararamdaman sa katawan ay pang karaniwan na ginagawa, hindi lang dito sa Pilipnas kundi sa ibang panig din ng mundo.

Isang 21-anyos na babae sa England ang umano’y di na nagising matapos magreklamo ng pananakit ng ulo at pagkahilo.



Kinilala ang babae na si Jessica Cain, na ayon sa Yahoo News ay uminom pa ng dalawang paracetamol matapos sumakit ang ulo at saka natulog.

Ayon sa in ani Jessica, sumakit daw ang ulo ng anak at nahihilo kaya uminom ng gamot bago nakatulog.

Sa kasamaang palad, hindi na nagising pa kinabukasan si Jessica bagay na hindi mapaniwalaan at matanggap ng kanyang pamilya.



Lumabas naman sa resulta ng pag susuri sa bangkay na meningococcal meningitis at septicaemia ang ikinasawi ni Jessica.

Ang nasabing sakit ay sanhi ng bacteria kung saan naapaektuhan ang daluyan ng dugo ng isang tao patungo sa utak, dahil dito namatay si Jessica.

Ang bacteria ng Meningococcal ay nakukuha umano sa laway o dura na maaari namang maisalin sa iba sa pamamagitan ng halik o pag ubo.

Ayon sa balita, kagagaling lang umano ni Jessica sa ibang bansa dahil mahillig mag travel ang dalaga.



Karaniwan na sintomas umano ng ganitong sakit ay pagsusuka, pagkahilo at pananakit ng ulo.



Source: KAMI




Post a Comment

0 Comments