Sa halip na subukan na makialam sa kampanya ng
administrasyon laban sa iligal na droga, pinayuhan ng Malacañang si dating
Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ituon lamang ang pansin sa kanyang
kaso sa Sandiganbayan at sa kanyang kalusugan.
Ang sinabi na ito ng palasyo ay lumabas matapos na mag komento
ni Aquino na nalito siya kung bakit pa tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si
Bise Presidente Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee
Laban sa Illegal Drugs kung wala pala siyang tiwala.
“As for former President Aquino, he is better off focusing
on his case pending before the Sandiganbayan, as well as taking care of his
health, than touching on a matter related to the dreaded drug menace that he never
gave the attention and importance it deserves during his six-year Presidency,”
ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo base sa ulat ng Politiko
Sinabi ni Panelo na lumala ang problema sa droga ng bansa sa
ilalim ng administrasyong Aquino.
“Lest we forget, the drug problem ballooned in magnitude in
his time, obviously due to his neglect in countering this evil that is putting
this country into the precipice of generational destruction,” dagdag ni Panelo
Noong Nobyembre 20, ipinaliwanag ng Pangulo kung bakit ayaw
niyang isama sa Cabinet meeting si Robredo.
Sa isang press conference nitong Martes nang gabi, sinabi ni
Pangulong Duterte na ayaw niyang ipagkatiwala kay Robredo ang mga dokumento at
intelligence data sa giyera kontra droga ng administrasyon.
“Ang problema kasi dito ganito. I cannot trust her not only
because she is with the opposition. I do not trust her because I do not know
her,” ayon sa Pangulo.
Dagdag pa ng pangulo, talamak din umano ang illegal na
operasyon ng droga sa Bicol region kaya nagdadalawang-isip sya dahil taga-Naga
si Robredo.
“Hindi ko alam kung sino ang kausap niya noon, kung sinong
mga politiko, kung sinong mga tao, probably… You know one of the biggest ah…
one…the biggest actually of a drug manufacturing apparatus
was in Bicol, sa Naga,” paliwanag ng pangulo.
Source: Politiko
0 Comments