President Rodrigo Duterte at Pastor Quiboloy / larawan mula sa CNN |
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na
naniniwala siya na napahinto ni Pastor Quiboloy ang lindol kamakailan sa
Mindanao.
“I believe in Pastor Quiboloy when he
said he stopped… Eh kung nag-stop, eh di what’s the trouble? Kung nagkataon
talagang nag-stop,” ayon sa Pangulo sa opening ng Acacia Hotel Davao noong Biyernes.
Ayon pa sa Pangulo, sana rin daw ay mayroon
siyang kapangyarihan para patigilin ang korupsyon sa bansa.
“If only I have that power doon sa mga
kurakot na i-stop… Alam mo dito, ang mga PIlipino hindi mo talaga madaaan sa
pakiusap,” ayon kay Pangulong Duterte
Naging kontrobersyal muli si Quiboloy
kamakailan nang sinabi niyang inutusan niya ang lindol sa Mindanao na tumigil
na.
Sinabi niya na dapat pasalamatan siya
ng mga tao sa pagtigil sa kalamidad.
"Ang lumipas na 6.6 (magnitude),
nandun ako kahapon, nandoon ako sa kwarto ko, sabi ko 'lindol stop,
umi-stop'" ani Quiboloy
“Pasalamat kayo sa akin kasi kung
hindi ko pina-stop ‘yun, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo" dagdag
niya
Source: Politiko
0 Comments