Logo from Facebook |
Nagbigay ng babala ang Philippine Embassy sa Seoul, South
Korea sa mga Filipino na mag-iingat laban sa mga pekeng nag aalok ng visa assistance
sa mga nais pumunta sa nasabing bansa.
Ayon sa embassy, kadalasan ay sa social media umano nag-aadvertise
ang mga ito para hikayatin ang mga gustong gusto na makapag apply ng trabaho sa
South Korea.
“These services, which are usually advertised in Facebook,
purport to provide assistance to Filipinos who wish to acquire a valid visa and
enable them to legally work and stay in Korea.” Saad sa advisory na nilabas ng
Embassy.
Ayon din dito, hindi nangongolekta ng anumang bayad para sa
visa dahil ito ay libre or “free” dapat.
Katulad ng sa iba pang bansa, dapat ay sumunod sa tamang proseso
ang mga migrants sa Korea.
“Please note that there is no such service allowed by Korean
authorities. The Korea Immigration Service (KIS) does not process the visa
applications of irregular and undocumented migrants based in Korea.” Ayon dito
Mariing pinaalalahan ang mga Filipino na huwag pansinin ang ganitong
mga illegal na gawain at huwag nang ikalat pa sa social media.
“Members of the Filipino Community are encouraged to advise
kababayans not to entertain these schemes, nor spread these in social media.” Ayon
sa Embassy
Source: UNTV
0 Comments