Hula ng isang kumpanyang sa London: 'Dadagsa ang mga investors sa Pinas kung maging pangulo si Robredo'

Vice President Leni Robredo / file photo from InterAksyon




Hinulaan ng isang research company na naka base sa London na ang mga dayuhang mamumuhunan ay pipila umano para sa Pilipinas kung magiging Pangulo si Bise Presidente Leni Robredo.

Sinabi ni Capital Economics’ Gareth Leather na si Robredo ay magiging magandang pagbabago mula kay Pangulong Duterte na pumayag na masira ang mga political institutions.



“If President Duterte is forced to leave office through ill health, Vice President Leni Robredo, who leads the main opposition party in the Philippines, would take over as president,” ayon umano sa komentaryo ni Leather na nailathala noong Biyernes.

“We don’t know much about what Ms. Robredo’s economic agenda would be if she took office, but given her fierce opposition to Duterte’s fierce authoritarian tendencies, including his willingness to undermine political institutions, a change in president would be welcomed by investors,” dagdag pa nito

Sa isang interview sa GMA News, inamin ni Pangulong Duterte na common na sa may mga edad ang pagkakaroon ng sakit at siya ay hindi na ganoon ka healthy, di tulad noon.



“Lahat ng sakit, nandito na sa ‘kin kasi matanda na ako,” ayon sa Pangulo

“Kung sabihin mo, ‘Okay ka ba presidente? Are you in the best of health?’ Of course not. I am old, life has begun to take its toll on my health. At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it, I have it. Para wala na lang debate,” Dagdag niya

Noong nakaraan naman ay sinabi ng Commander-in-Chief na siya ay may sakit na Buerger na nakuha niya sa paninigarilyo mga taon na ang nakalilipas.



Inihayag din ng Pangulo noong nakaraang buwan na "mayroon siya na myasthenia gravis", isang sakit na nagdudulot ng kahinaan ng kalamnan, pati na rin ang isang hindi wastong gulugod kasunod ng isang aksidente sa motorsiklo.



 Source: Politiko



Post a Comment

0 Comments