Kiko Pangilinan on reminding Robredo to keep secrets: 'Di na kailangan pang sabihin, alam na nya yan!'





Para kay Senador Francis Kiko" Pangilinan hindi na kailangang paalalahanan si Bise Presidente Leni Robredo na manahimik tungkol sa mga  kumpidensyal na impormasyon na may kaugnayan sa giyera sa droga.

Sinabi ito ni Pangilinan nitong Lunes, Nobyembre 18 matapos lumabas ang balitang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin si Robredo  bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung magbabahagi siya ng impormasyon na maaaring maglagay ng pambansa seguridad sa peligro.



“Sinabi naman ni VP na hindi maaring isiwalat kung ano ang confidential. Sa palagay ko hindi na sya kelangan pagsabihan pa,” ayon kay Pangilinan

Dagdag ng senador, ang Department of Interior and Local Government ay hindi dapat mag duda tungkol sa pagbabahagi ng mga kumpidensyal na impormasyon kay Robredo.

“Kung gusto nila magkaroon ng maayos na tulungan, pati information, they should be able to share it,” ani Pangilinan



Ayon sa mga ulat, hiningi ni Robredo sa Philippine National Police ang listahan ng mga target na high profile na targets sa drug war.

Gayunman, sinabi ng pulisya na susundin pa din nito ang desisyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bagay na ito.

Samantala, para naman kay Albay Rep . Edcel Lagman, hindi na umano kailangan bantaan ng Pangulo si Robredo.

“Robredo knows only too well that ‘state secrets’ must not be made public nor shared with unauthorized persons in order not to jeopardize national security and she would treat classified information given to her as confidential,” ayon kay Lagman

“But why should the narco list of high profile narcotics traders and users as well as the records of those involved in extrajudicial killings related to the brutal war on drugs be elevated to the status of ‘state secrets’?” tanong ni Lagman, base sa balita mula sa Politiko.


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments