Bise Presidente Leni Robredo at Senador Panfilo Lacson / larawan mula sa Manila Bulletin at Pinglacson.net |
Maaring nakahanap ng kakampi si Vice President Leni Robredo
sa katauhan ni Senator Panfilo Lacson sa kanyang plano na baguhin ang umano’y brutal
na sistem ng pamahalaan sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.
Nitong Biyernes (Nobyemre 8), nagpahayag si Lacson ng
pagsuporta sa layunin ng bise presidente na dapat mas pagtuunan ng pansin ang supplier
ng droga imbes na habulin ang mga suspected na user at pushers.
“I agree with her that it’s about time after more than 3
years of hitting hard on the street pushers and even users to shift the
strategy and focus more on the supply constriction side rather than demand
reduction,” ayon kay Lacson
Inamin din ng senador na siya ay nakipag pulong na kay
Robredo noong Biyernes ng umaga para pagusapan ang bagong role nito bilang co-chairperson
of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Tinanggap ni Robredo ang alok na tulong ni Lacson para
ibahagi kanyang kaalaman bilang tagapag-patupad ng batas noong ang senador ay
naging chief ng Philippine National Police (PNP).
Napahanga din umano si Lacson sa pinakitang kaalaman ng bise
president.
“She already has good knowledge and information about the
drug problem and has some sound and workable plan to improve the ongoing fight
against illegal drugs. “ anito
“Apparently she’s doing a lot of reading,” Dagdag pa ni
Lacson
0 Comments