Para walang bumili! Patingi-tinging pagbenta ng sigrilyo, nais ipagbawal ng DOH



Photo courtesy of Rappler and 



Sa Kabila ng pagtaas ng presyo ng sigarilyo ay patuloy pa rin nakakabili an gating mga kababayan ng patingi-tinging sigarilyo.

Kaya naman patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga sigarilyo na halos umaabot sa mahigit isang daang piso ang isang kaha o sa mas magaang bilhin kung ito ay ibebenta ng patingi-tingi.



Dahil dito, muling iminungkahi ng Department of Health na ipagbawal na ang pagbebenta ng patingi-tinging sigarilyo.

Bunsod ito ng rekomendasyon ng United Nations Interagency Task Force on Prevention of Non-communicable Diseases na dapat ipagbawal ang pagbebenta ng paisa-isa upang di na maengganyong bumili and mga kabaatan.

Ayon sa report ng GMA News, kahit na nagtaas daw kasi ang presyo ng yosi ay marami pa rin ang patuloy naninigarilyo.



Maging ang mga kabataan ay patuloy pa ring nakakabili nito kahit pa nga may mga safety measures na ipinapatupad ang gobyerno.

Ayon sa DOH, kung kada kaha ang bentahan ng sigarilyo, ay tiyak na mahihirapan na ang mga kabataan at ang ilang mga nakakatanda na makabili nito dahil sa pagtaas ng presyo at may kamahalan na ito.


Base sa ilang pag-aaral, pangunahing sanhi pa rin ng pagkamatay ay mga sakit na dulot ng sigarilyo tulad ng sakit sa puso, sakit sa baga at cancer.



Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments