President Duterte plans to ban single-use plastic in the country



Compiled photo from Philippine News Agency and Philstar


Si President Rodrigo Duterte mismo ang nagbigay ng idea na maaring ipatupad sa bansa ng plastic ban bilang isa na itong matinding usapin sa ibang dako ng mundo dahil sa climate change.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inilabas ng pangulo ang panukala sa isang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng gabinete noong Miyerkoles.



"The President floated the idea to ban the use of plastics, which according to him would require legislative action," ani Panelo.

Lumabas sa huling research ng grupong Global Alliance for Incinerator Alternatives, na umaabot sa 60 bilyong piraso ng sachets at 34 bilyong piraso ng plastic bags ang binabasura sa Pilipinas taon taon.

Ang ideyang ito ay sinang-ayunan naman ni senador Cynthia Villar na tiwalang mapag tatagumpayan ng pangulo ang pagpapatupad nito.



“With the President taking the lead in this campaign, I am confident we will be making significant headway and finally remove us from that disconcerting title as one of the world’s largest producers of plastic wastes,” ayon kay Villar.

Si Villar ay nagpasa ng Senate Bill No. 333 or the Single-Use Plastic Product Regulation Act, para magkaroon ng control ang pag manufacture, pag-import at paggamit ng mga produktong single-use plastics.

Ayon kay Villar, ang micro-plastics ay maaring humalo sa ating mga pagkain, dahil napupunta ito sa mga karagatan at pwede namang makain ng mga lamang dagat.

“With our dependence on agriculture, plastic pollution also poses a grave threat to our food security. Disaster risks and hazards arising from plastic pollution may put farms at risk of flooding resulting in wastage of agricultural products along with its threats to a balanced ecology,” Ayon sa senadora



“Microplastics leaked in our bodies of water may also put public health at risk as it gets into our food chain,” dagdag pa niya

Ikinatuwa din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang grupo ang ideyang ito ni Pangulong Duterte.

“It’s a good move. It (single-use plastics) is a huge problem.” Ayon kay DENR Undersecretary Annaliza Rebulta Teh 

Dagdag ni The, tutulong din umano ang DENR na irekomenda ito sa mga ahensya ng gobyerno para maiwasan ang paggamit ng single-use plastics (SUPs).


Ang mga SUPs ay mga produktong gawa sa plastic na maari lamang gamitin ng isang beses. Ilang halimbawa nito ay ang bote ng inumin, cups, sachets, straws, plastic bags at polystyrene containers.



Source: PNA, ABS CBN 

Post a Comment

0 Comments