Raffy Tulfo, may bwelta sa DepEd tungkol sa gurong namahiya ng estudyante



Mga larawan mula sa Philstar at Manila Bulletin


Manila, Philippines – Bumwelta ang kontrobersyal na TV and Radio host na si Raffy Tulfo tungkol sa panibagong isyu na ipinukol sa kanya hinggil sa nakaraang statement ng DepEd.

Ayon sa DepEd, ang naging aksyon si Tulfo na pagresignin na lang ang teacher na namahiya ng estudyante kamakailan ay labag umano sa polisiya ng DepEd at hindi binigyan ng due process ang nasabing guro.*



Binatikos ng sikat ng TV host ang DepEd sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” noong Lunes, ayon kay Tulfo, tanging pinatuunan lang ng pansin ng DepEd ang guro ngunit hindi man lang inalala ang naging kalagayan ng kawawang estudyante at ng kanyang pamilya.

“Marami po sa inyo d’yan ang nasaisip palagi ay ‘yun bang kawawa po si teacher. Si teacher po ay naapi… And yet ni isa sa inyo, ni isa, kasama na po d’yan ‘yung DepEd school authorities, wala man lang ni isang nag-reach out sa family maging sa bata na para sabihing, ‘Sir, ma’am, hijo, kamusta kayo? How are you taking it, my child? Ikaw ba eh nakakakain pa, hijo? Ikaw ba’y nakakatulog pa? 
Bakit ‘di ka na pumapasok ng ilang araw? What is going on? Is there anything we can do to help you na para po ma-ease itong stress sa’yo, sa family mo, at sa ina rin?’ Wala po eh. Wala talaga!” ani Tulfo 

Sabi ng DepEd, ang naging komprontasyon ni Tulfo sa kanyang programa sa guro ay naglalagay sa isang kompormiso, kung saan ay nakasalalay ang maaaring pagreresign ng guro sa kanyang trabaho kapalit ng hindi pagsasampa ng rekalmo laban sa kanya. *



Dagdag pa ng DepEd nakasaad sa kanilang Child Protection Policy, "incidents of child abuse are not subject to compromise."

Ngunit banat naman ni Tulfo sa DepEd, na nakasaad sa kanilang Child Protection Policy na kasama sa mandato ng kanilang departamento na ipinagbabawal sa mga guro ang pang-aabusong pisikal, mental, emosyonal and psychological sa isang bata o estudyante.

“D’yan po sa Child Protection Policy, nakasaad po, yes, nirerecognize po ng DepEd ‘yung mga karapatan ng mga guro na mag-disiplina sa mga estudyante nila, pero hindi pwedeng gawin ito, ito, ito… ‘yun pong maltreatment physically, mentally, emotionally, psychologically. In fact, sinabi pa nga sa 2012 na memorandum ng DepEd, ‘Zero tolerance!’,” sabi ni Tulfo. *



“Marami po sa inyo ay nakakalimot na meron po tayo na tinatawag na R.A. 7610. At ano po ‘yung napapaloob sa R.A. 7610? Bawal po ang manakit ng bata whether physically, emotionally, psychologically. Hindi po dapat ginagawa ‘yan dahil protektado ang mga bata ng batas na ‘yan.”

Binatikos din ni Raff ang DepEd dahil sa di umano pag-papatupad ng Child Protection Committee na nakasaad sa kanilang Child Protection Policy.

“On top of that, nakapaloob po d’yan, inuutusan po ng DepEd ang lahat ng paaralan na magtatag ng Child Protection Committee, CPC. Ano po ‘yung Child Protection Committee? Ito po ay isang grupo (na) kinabibilangan dapat ng principal, guidance, representative from the teacher, representative from the student, barangay, social worker,” paliwanag ng Broadcaster *



Ani pa ni Idol Raffy, kung sana ay pinapatupad ng DepEd ang kanilang Child Protection Committee rule sa bawat paaralan, hindi sana nangyayari na nagsusumbong pa sa kanya ang mga magulang at mga estudyante para magreklamo sa kanilang mga guro.

“Wala po ‘yan. Hindi po sinusunod ‘yan. Dahil kapag meron po ‘yan, ‘yan po dapat ang dumidinig sa mga nangyaring problema between parents and teachers or teachers and students. Wala pong nabuong committee ang anumang eskwelahan, (sa) pagkakaalam ko. Kasi po kung meron sana ‘yan, hindi na po kinailangan pang pumunta dito sa ‘Wanted sa Radyo’ ang mga magulang para ireklamo ang mga pang-aabuso ng mga guro…  *



Because doon pa lamang, mapapakinggan na kanilang mga problema sa pagkat ang makikinig sa problema nila hindi lang po si principal at si guro, kundi marami pa po. Kung sakaling magsabwatan si principal at si guro, nandyan po ‘yung guidance, nandyan po ‘yung barangay, nandyan po ‘yung social worker, nand’yan po representate ng estudyante.” Dagdag pa ng TV and radio host.

Magsilbi sanang wake up call sa ating lahat ang nagyari lalung-lalo na sa DepEd ayon kay Tulfo. *



“Napakaganda po ‘yung Child Protection Committee. Pero bakit ‘di po sinunod? Bakit po hindi inimplement? I think this is the time na ‘yung DepEd tignan n’yo po ‘yung inyong 2012 na memorandum order sa mga guro, sa mga eskwelahan na magbuo ng Child Protection Committee. Do it now, dahil sa memorandum order na ‘yan ma-eeducate ‘yung mga guro kung ano ‘yung pwede nilang gawin at anong hindi nilang pwedeng gawin.”



Source: Philstar




Post a Comment

0 Comments