Senators Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros (ctto) |
Matapos ang pagpapatalsik kay Bise Presidente Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD),nag bigay naman ng pahayag ang kanyang mga kaalyado sa oposisyon.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, Presidente ng Liberal Party, ang pagtanggal kay Robredo ay nagpapakita na wala itong isang salita.
“Malacañang did not just blink. Parang silang napuwing nang todo-todo. Umatras. Dahil sa takot at pangamba na lalo pang lumawak ang suporta kay VP Leni bunga ng mas maayos at higit na epektibong kampanya laban sa iligal na droga, agad-agad nilang tinanggal siya sa ICAD,” ani Pangilinan nitong Linggo.
Naunang sinabi ng Pangulo na mananatiling drug czar si Robredo hanggang 2022, maliban nalang kung ang kanyang appointment ay mapuputol ng maaga.
Samantala, para naman kay senadora Risa Hontiveros, nakakapagtaka na nawala si Robredo sa posisyon bago pa ang mga opisyal na tulad ni Cayetano at iba pang opisyal ng gobyerno na responsable sa kontrobersya ng SEA Games 2019.
“Pero hindi rin nakakapagtaka ang tiyempo ng pagsibak kay VP Robredo. Hindi ako magugulat kung ito ay bahagi ng isang malaking tangka para ilihis ang atensyon ng publiko sa malawakang anomalya at kapalpakan ng SEA Games,” ani Hontiveros
Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kahapon, Linggo, ang pagtanggal kay Robredo bilang co-chair ng ICAD.
Ayon kay Panelo, may dalawang dahilan kung bakit napatalsik si Robredo sa posisyon ng maaga.
“This is in response to the suggestion of Liberal Party President, Senator Francis Pangilinan, to just fire the Vice President from her post. This is also in response to the taunt and dare of VP Robredo for the President to just tell her that he wants her out,” ayon kay Panelo
Source: Politiko
0 Comments