Trillanes binanatan muli si Pangulong Duterte: "This man is pure evil"


Dating Sen. Antonio Trillanes IV and Presidente Rodrigo Duterte / Larawan mula sa ABS CBN


Muli ay binanatan na naman ni dating senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing “evil” ito dahil umano sa mga walang basehan ng akusasyon laban sa kanila ni Senador Leila De Lima.

Sinabi ito ng senador matapos na mag attest ng Pangulo na totoo umano ang mga paratang sa droga laban kay De Lima na ngayon ay nakakulong sa Camp Crame.



“Wait, Duterte said that I have offshore bank accounts, too, until… he had no choice but to admit that invented them,” ayon sa dating mutineer at kritiko ni Duterte.

“This man is pure evil,” saad ni Trillanes

Sa ika-1000 araw ni De Lima sa kulungan, nagsalita ang Pangulo sa pagtitipon ng ika-80 na anibersaryo ng Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinaldo nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 20 at iginiit na totoo ang drug trafficking charges laban sa senadora.



“On my oath as President, I'm telling you, it is true. If she really did collect money, why? She was not into business but ambitions can blind you. That is why you need money to run for senator. You need millions to do that,” ayon kay Duterte

“They took the line of the left that she is a political prisoner,” dagdag nito.

Sinabi din ng pangulo na totoong may sex vide0 si De Lima.



“Can you really believe a woman like that? Allowing herself... She was then the Justice Secretary,” anito.

Samantala, sa isang pahayag din kahapon, sinabi ni De Lima na karangalan niya na makulong dahil sa kanyang paniniwala.

“Today, 1,000 days since my arrest, I say it again: Karangalan ko po na makulong dahil sa mga ipinaglalaban ko. Palagian po nating tandaan: hindi laging maghahari ang dilim. Our truth will defeat their lies,” aniya.




Post a Comment

0 Comments