Acosta tells Drilon, Angara's ulterior motive for slashing PAO’s forensic lab budget: Law firm sila ng Sanofi!



PAO Chief Persida Acosta, Seandor Frankiln Drilon at Sonny Angara (ctto)



Inakusahan ni Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Acosta sina Senador Sonny Angara at Franklin Drilon ng conflict of interest sa pagtanggal ng P19.5 million na badyet ng PAO forensic laboratory.

Ayon kay Acosta ang mga mambabatas umano ay konektado sa law firm ng Dengvaxia manufacturer Sanofi Pastuer.



“Bakit ninyo gagamitin ang kamara para gantihan ang mga bikitima (Why should you use Congress to get back at the victims)?” ayon kay Acosta, bilang ang PAO ang tumutulong sa mga kamag anak ng mga bikima ng Dengvaxia

“Lumaban kayo ng patas sa korte (Fight fair in court),” dagdag pa ni Acosta

Binigyang diin din ng PAO chief ang kahalagahan ng mga autopsies na isinagawa ng PAO forensic laboratory sa pagsasaampa ng mga kaso laban sa manufacturer ng vaccine.



Inaprubahan na ng komite ng bicameral conference ang P4.1-trilyong pambansang badyet para sa 2020 ngunit natanggal ang P19.5-milyong badyet para sa PAO forensic laboratory na ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).

Ayon pa kay Acosta, ang P19.5 milyon na para sa forensic laboratory ay pumasa naman sa budget hearing ngunit hinadlangan umano ito ni Drilon at Angara.


“Actually conflict of interest ang ginagawa po nila dahil involved ang partido nila sa Dengvaxia (What they did was conflict of interest since their party is involved with the Dengvaxia case),” ani Acosta
“Kapag ikaw legislator ka, ang law firm mo kalaban ng PAO sa Dengvaxia, bakit ikaw ang magtatapyas ng budget. Hindi ba conflict of interest yun (When you are a legislator and your law firm is the opponent of PAO in the Dengvaxia case, why should you be involved in the budget cuts. Isn’t that conflict of interest),” tanong din niya
Ang law firm na Angara Abella Concepcion Regalla and Cruz Law Offices (ACCRA) ay may hawak umano sa Sanofi.


Samantala, ayon sa ulat ng Manila Bulletin, makikita umano sa website naman ng ACCRA ang pangalan ni Drilon bilang senior counsel ng law firm, at si late former Senator Edgardo Angara, bilang isa sa mga founding partners.
“Sa Senado sino ba ang mga lawyer na ACCRA na senador, sila nagtapyas (The ACCRA lawyers in the Senate made the budget slash),” ani Acosta
“ACCRA ang lawyer ng Sanofi. Hindi ba conflict of interest yun, nasa code of professional responsibility (ACCRA is the lawyer of Sanofi. Isn’t that conflict of interest under the code of prefessional responsibility,” Dagdag pa ng PAO chief





Post a Comment

0 Comments