Bong Go slams US Senators: 'Bakit sila nakikialam dito sa Pilipinas, senador ba sila dito?'



Senator Bong Go / Larawan mula sa Manila Bulletin


Ang mang harass ng kanyang mga kritiko ay hindi gawain ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go.

Sa pakikipag usap sa mga reporters noong Huwebes sa 46th Fire Service Recognition Day ng Bureau of Fire Protection, binatikos ni Go ang naipasang resolusyon ng Senado ng US na nanawagan sa pagpapalaya kay senador Leila De Lima.



“Wag muna kayo manghimasok sa bagay na hindi niyo alam. Alamin n’yo muna ‘yung totoo. Walang ginagawang political harassment po ang ating pangulo. Hindi po ganun si Pangulong Duterte,” ayon kay Go

“Sabi ko nga pagkatapos ng termino niya, pagkatapos ng termino namin, uwi na kami ng Davao. Not his cup of tea ‘yung pang ha-harass po ng kapwa politika, not his style,” dagdag niya

Kamakailan lang ay inaprobahan ng komite ng Foreign Relations ng United States ang isang resolusyon para ikondena ang gobyerno ng Pilipinas laban sa patuloy na pagpapakulong kay De Lima.



Ang US Senate Resolution 142 na isinampa noong Abril 2019 ay nagkokondena ng pagkakaaresto kay De Lima kasama na ang harassment umano sa mga journalists katulad nalang ng Rappler CEO na si Maria Ressa.

Samantala, kinuwestyon ni Go ang pangingialam ng mga senador ng Amerika sa mga usaping local ng Pilipinas.



“Anong kinalaman nila dito sa Pilipinas, US Senate? Bakit sila nakikialam dito sa Pilipinas? Senador ba sila dito sa ating bansa?” aniya

Sinabi rin ng dating aide ng Pangulo na matanda na ito para sayangin pa ang oras sa pang haharass.

“Hindi po siya nang-haharass. He is already 74 years old, wala na po siyang ibang interes kundi magtrabaho lang po kami para sa bawat Pilipino,” ayon pa kay Go

Si De Lima ay naka kulong sa Camp Crame simula noong February 2017 dahil sa pagkakasangkot niya sa ilegal na droga noong siya ay nagsilbing Chief Justice.



Source: Inquirer

Post a Comment

0 Comments