Bise President Leni Robredo / larawan mula sa Philstar |
Ipapaalam na ni Bise Presidente Leni Robredo sa publiko kung ano ang kanyang mga natuklasan tungkol sa giyera ng gobyerno laban sa illegal drugs sa maikling panahon na siya ay naging co-chairperson ng Inter-Agency on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Robredo, ang kanyang mga natuklasan at
rekomendasyon para ma-improve ang kampanya laban sa droga ay nakapaloob sa
dalawang ulat na isinumite niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Iyong first two reports ko saka recommendations, sa kaniya
ko sina-submit. Pero sabi ni Sec. Panelo, hindi naman binasa. So iyong sa akin,
baka mas mabuti, public, para for whatever it is worth, ma-consider,” ani
Robredo sa kanyang programa sa radyo.
Sinabi ni Robredo, ang kanyang opisina ay nag-draft din ng pangatlong
report tungkol sa giyera laban sa droga ngunit hindi na niya naisumite sa Malacanang
matapos siyang patalsikin ng pangulo.
Ani Robredo, ilalabas niya ang naturang ulat pagkatapos ng
2019 SEA Games 2019.
Nauna nang hinamon ni Duterte si Robredo na ibahagi ang
kanyang natuklasan tungkol sa giyera laban sa droga, sinabihan din ng Pangulo ang Bise President na ginawa
niyang "assh * le" ng kanyang sarili sa 19 na araw na siya ang naging
bahagi ng ICAD.
Sinabi naman ni Robredo na hindi niya alam kung bakit ang administrasyon
ay tila “natatakot” sa mga posibilidad na kanyang isasapubliko ang kanyang mga
nalaman.
“Sa kanila, iyong dating, parang tinatakot? Eh bakit… bakit?
Eh talaga namang may matutuklasan ako kasi nilagay ako diyan, mayroon akong
trabaho, at iyong trabaho ko talaga gawing mabuti iyong mga hindi mabuti,” ayon
kay Robredo
0 Comments