Manila Water admits Duterte's anger led to waiving of ₱7.4-B award: 'ayaw po namin kalabanin ang Pangulo'



President Rodrigo Duterte / photo from Philstar




Inilahad ng Manila Water na pinamumunuan ng mga Ayala noong MIyerkules na nagpasya itong huwag nang singilin ng bilyun-bilyong refund ang gobyerno upang mapahupa ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It’s unfortunate po na nagalit ang Pangulo. Hindi po namin pagnanasa na magbigay ng problema sa Pangulo,” ayon kay Manila Water Corporation President and CEO Jose Almendras sa isang Senate hearing para sa planong lumikha ng kagawaran ng tubig.



"Ayaw po naming kalabanin ang Pangulong Rodrigo Duterte. Mabuti po ang ginagawa niya para sa taong bayan at sumusuporta po kami. Humihingi po kami ng paumanhin kung nagalit siya dahil sa arbitral ruling,

Kaya po namin inatras yung  arbitral   ruling dahil nagsalita na po ang Pangulo na hindi nya gusto ‘to. At kami  po ay nakakaintindi at marunong naman po kaming makaintindi kaya ho kami nagpasya na hindi na itutuloy,” anito

Ayon pa kay Almendras, hindi nila nais na bigyan ng problema si Duterte, at nag paliwanag na ang kaso ay isinampa noong 2015 pa, sa ilalim ng nakaraang administrasyon.



Dagdag nito, wala umanong paraan para pigilan ang desisyon ng arbitral tribunal.

Kamakailan lang ay inutusan ng arbitration court ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang kumpanya ng ₱ 7.4 bilyon na pagkalugi dahil sap ag tanggi sa pagtaas ng rate sa tubig, isang desisyon na dumating tatlong taon pagkatapos ng panalo ng Maynilad sa arbitral.



Dahil dito, sinabi ng Pangulo na aalisin ang dalawang utility firms, at nagbanta din ito na idedemanda ang mga kumpanyang ito pati na ang mga dating opisyal ng pamahalaan dahil sa mga mapang dayang kontrata.


Source: CNN PH


Post a Comment

0 Comments