Senador Leila De Lima at US President Donald Trump / Larawan mula sa Politiko |
Dahil sa
kamakailang pag pirma ni US President Donald Trump sa isang batas na naglalaman
ng probisyon na magbabawal sa mga nagpakulong umano kay Senador Leila De Lima,
umaasa ito na huling pasko na niya sa kulungan.
Nagpahayag
ng pag-asa si De Lima na makalaya siya sa lalong madaling panahon ayon sa kanya
nitong Miyerkules, Araw ng Pasko.
“I hope
that this is my last Christmas in detention so that my normal life as a mother,
grandmother, daughter, sister and as a duly-elected Senator be now restored,”
ayon kay De Lima.
“I’m raring
to work fully and assiduously as a fiscalazing minority senator and focus on my
chairmanship of the Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural
Development,” dagdag niya
Ang clause sa
pagbabawal sa mga opisyal ng Pilipinas ay kasama sa Department of State,
Foreign Operations and Related Programs Appropriations Bill 2020, na nilagdaan
ni Trump bilang bahagi ng $ 1.4-trilyong badyet ng gobyerno ng US.
Ang mga US
Senator na Democrat tulad na sina Dick Durbin at Patrick Leahy ay ang nasa
likod ng pagsasama ng probisyon sa pagbabawal ng mga jailer ni De Lima sa
package ng paggasta ng gobyerno ng US.
Naunang
pinangalanan ni De Lima ang mga sumusunod na opisyal na may kinalaman umano sa
kanyang pag kaka kulong, ito ay sina:
Pangulong
Rodrigo Duterte, presidential spokesperson Salvador Panelo, dating Presidential
Communications Operations Office official Mocha Uson, Sass Rogando Sasot, at RJ
Nieto, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating Justice secretary
Vitaliano Aguirre II, Solicitor General Jose Calida, Public Attorneys Office
chief Persida Acosta, Sandra Cam, Dante Jimenez, Representatives Rey Umali at Rudy
Fariñas.
0 Comments