Pinayuhan ng palasyo si Bise Presidente Leni Robredo na
huwag nang makialam sa mga isyu tungkol sa mga concessionaires ng tubig.
“Siguro ang advice natin kay VP leni, huwag mo nang pasukin
ang hindi mo alam,” ayon sa sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo
nitong Lunes, base sa ulat ng Politiko.
Ayon pa kay Panelo, walang ginawa si Robredo para sa
nasabing usapin, bagay na pinag lalaban naman ngayon ni Duterte.
“The President has made a stand and the stand appears to be
very effective. She should know that,” dagdag ng tagapagsalita.
Ang mga komento naming ito ni Panelo ay lumabas matapos
manawagan ni Robredo sa gobyerno na mas maging mahinahon ito sa pag resolba sa
diumano’y mabibigat na kasunduan sa pagitan ng gobyerno at mga kumpanya ng
tubig ng Manila Water Company at Maynilad Water Services, Inc.
“Kapag hindi natin dinaan sa mas mahinahon na usapin, ang
dami nitong collateral damage,” aniya
Samantala, nauna nang inilahad ng Manila Water na pinamumunuan ng mga Ayala
noong
MIyerkules na nagpasya itong huwag nang singilin ng bilyun-bilyong refund
ang gobyerno upang mapahupa ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“It’s unfortunate po na nagalit ang Pangulo. Hindi po namin
pagnanasa na magbigay ng problema sa Pangulo,” ayon kay Manila Water
Corporation President and CEO Jose Almendras sa isang Senate hearing para sa
planong lumikha ng kagawaran ng tubig.
"Ayaw po naming kalabanin ang Pangulong Rodrigo
Duterte. Mabuti po ang ginagawa niya para sa taong bayan at sumusuporta po
kami. Humihingi po kami ng paumanhin kung nagalit siya dahil sa arbitral
ruling,
Kaya po namin inatras yung
arbitral ruling dahil nagsalita
na po ang Pangulo na hindi nya gusto ‘to. At kami po ay nakakaintindi at marunong naman po
kaming makaintindi kaya ho kami nagpasya na hindi na itutuloy,” anito
0 Comments