Saguisag explains Duterte running for VP is unconstitutional: But 'terrorized' judiciary may allow it


Former Senator Rene Saguisag (from ABS CBN) and President Rodrigo Duterte with daughter Sara Duterte (from Philstar)



Ang dating Senador Rene Saguisag ay duda sa resulta ng pre-election survey na nagpapakita ng posibilidad na Duterte daughter-and-father tandem sa halalan ng 2022.

Ayon kay Saguisag, ang Saligang Batas ng 1987 ay nagbabawal sa mga dating pangulo na tumakbo sa pagka-bise president.



Sinabi ito ng dating senador matapos ang isang survey ng Publicus Asia-VOX, na kung saan ay nagpakita na nangunguna pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte bilang top choice para sa bise presidente sa halalan ng 2022 kasama ang kanyang anak na babae na si Davao City Mayor Sara Duterte, para naman sa pagka-Pangulo.

“I teach that a Prez cannot run for Veep as he may not do indirectly what he cannot do directly. His intent is to be Prez again but reelection is constitutionally interdicted,” ayon kay Saguisag sa isa niyang column sa Manila Times.



Ngunit hindi rin umano umaasa si Saguisag na haharangin ito ng mga mahistrado sa High Court.

“But again, the terrorized judiciary may rule that such unconstitutional circumvention of the framers’ intent is allowed,” aniya

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi ipinagbabawal ang muling pag takbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise president kung sakali man.

“I’m not surprised. That has been done before in the City of Davao and both of them ran as mayor and vice mayor,” ayon kay Panelo.


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments