Nagbanta si
Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes na haharangin niya ang ang pag-renew ng
franchise ng ABS-CBN, na nakatakdang mag-expire sa Marso 30, 2020 dahil sa
pagiging bias nito.
Sinabi ito
ng pangulo habang nasa oath-taking ng mga bagong itinalagang opisyal ng
gobyerno sa Malacañang.
“Ang inyong
franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry.
You’re out. I will see to it that you’re out,” ayon sa Pangulo
Inakusahan
ng Pangulo ang media giant na hindi nito ipinalabas ang kanyang campaign ad
noong 2016.
Inihayag
din ng Pangulo na ang ABS-CBN ay nagpalabas ng anunsiyo ni Senador Antonio
Trillanes na nagpapakita ng mga batang artista kung saan ay tinawag na mamamtay
tao si Duterte.
Ang renewal
ng franchise ng ABS CBN ay matagal nang usap-usapan at palaging nababanggit ng
Pangulo.
Samantala,
nag pasa naman ng panukalang batas si senador Ralph Recto para sa pagbibigay
muli ng franchise sa naturang kumpanya.
Maliban sa
kanya, hangad din ni Nueva Ecija 2nd District Rep. Micaela Violago sa kanyang panukala
na mapag kalooban ng prangkisa ang ABS CBN sa darating na taon.
Ang asawa
ni Recto na dating aktres at ngayon ay House Deputy Speaker na si Vilma Santos,
ay nag file din 25-taong franchise ng ABS CBN sa ilalim ng House Bill 4035 at
House Bill 3947.
0 Comments