Larawan mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso |
Dahil sa
pagpapahalaga at pagmamahal sa trabaho ay nagantimpalaan ang isang empleyado ng
Manila City Hall ng pabahay ni Mayor Isko Moreno.
Bukod sa plake
ng pagkilala sa kanyang dakilang serbisyo, bahay at cellphone ang ibinigay ni
Yorme sa isang Janitor na 33-taon nagtrabaho sa munisipyo ng Maynila.
Kasama si
Vice Mayor Honey Lacuna, ang magandang balitang ito ay ibinahagi ng Alkalde sa
kanyang Facebook page kamakailan lang.
“Siya po si Melchor, empleyado
ng ating City General Services Office. 33 taon na po siyang nagtatrabaho sa
City Hall,” paliwanag ni Mayor Isko.
“Bilang pagkilala sa kanyang
inialay na serbisyo sa lungsod, ginawaran natin siya hindi lang ng smartphone
pati na rin pabahay para sa kanyang pamilya. Mabuhay po kayo!” dagdag pa ni
Mayor Isko.
Si mang Melchor Duca ay taga-Cavite
na natutulog lang umano sa munisipyo mula Lunes hanggang Biyernes at umuuwi ng
kanyang bahay tuwing Sabado lamang.
Ang gantimpalang ibinigay ni
Yorme ay mula umano sa pabahay na naitayo sa ilalim ng housing program ng
lungsod.
Ayon din sa ulat ng Journal
website, ang gantimpalang ito ni Mang Melchor ay may kaugnayan sa Administrative
Order No. 29 na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 10, 2020.
Kasama din sa AO No. 29 na
nararapat bigyan ng gratuity pay ang mga empleyado ng gobyerno na ang estado ay
job order at contractual.
Hanggang tatlong libong piso
umano ang maaring ibigay sa kanila, kung saan ay nasa 4000 na empleyado umano
ng Manila City Hall ang maaring makatanggap ng bonus.
Samantala, dalawang libong piso
naman ang halagang inaprubahan ni Mayor Isko.
0 Comments