Duterte lashes out at Rappler anew over foreign ownership, tax evasion: do not believe that kind of garbage!



Compiled photo from world financial review website




Sa isang pakikipanayam sa isang network sa telebisyon sa Russia, naglabas ng hinaing si Pangulong Rodrigo Duterte sa Rappler, isang news website na kritikal ng gobyerno, na sinasabing pinopondohan ng US Central Intelligence Agency (CIA).

“You know, please do not believe the media, especially the Rappler, the mouthpiece of the CIA and the US,” sinabi ng pangulo habang kausap ang Russia Today anchor na si Murad Gazdiev
Ito ang naging sagot ng pangulo nang siya ay tanungin kung bakit wala umano siya noong pagsabog ng Bulkang Taal.



“I was there before they made the announcement. I was there two days earlier then I went home to Davao to rest. When I came back last night, I went directly again to the evacuation areas. So, do not believe that kind of garbage that’s being dished out by Rappler,”

Inihayag din ni Duterte na ang Rappler, na kanyang pinagbawalan na mag cover ng mga kaganapan sa palasyo, ay hindi umano 100 porsyento na pag-aari ng mga Pilipino.

Ang Rappler din ay nakasuhan ng tax evasion o pag iwas sa obligasyon nito sa buwis.



“They have not paid their taxes, and we are questioning them because media must be 100 percent owned by the country, the Philippines.

“We found out that, for one, it’s owned by the Americans so it does violate the Constitution which says that the media or the press should be owned 100 percent by Filipinos,” saad ni pangulong Duterte

Ang Department of Justice ay nag sampa ng 5 magkakaibang kaso laban sa Rappler Holdings Corporation (RHC) at sa CEO nito na si Maria Ressa sa isang korte sa Pasig at Court of Appeals noong 2018.



Ang RHC na pag nagmamay ari ng Rappler Inc ay humaharap sa iba't ibang legal challenges kaugnay sa kaso nito sa gobyerno kabilang na ang cyber libel na reklamong isinampa ng isang negosyante laban dito.

Post a Comment

0 Comments