Nagpahayag ng pag-aalala si Albay Rep. Edcel Lagman sa
sinasabing intensyonal na pagkaantala sa pag-apruba ng legislative franchise
renewal ng ABS-CBN dahil kaunti nalang ang natitirang araw ng regular na session
nito.
Sinabi sa ulat ng politko na iginiit din ni Lagman na habang ang mga prangkisa ng mga network ng
radio at telebisyon na may maliit lang na impact ay mas mabilis nakapag renew.
Samantala, ang renewal umano ng ABS CBN ay tila nawawalan ng
pag asa sa Committee on Legislative Franchises dahil ito ay paulit ulit tinututulan
ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Lagman, tinututulan ng pangulo ang renewal ng broadcast
company dahil sa mga personal niyang hinaing laban sa ABS CBN.
Ayon kay Lagman dapat kumilos na ang Congress sa siyam na
iminungkahing batas na naglalayong bigyan ang Kapamilya network ng panibagong
25 years.
Mayroon lamang umano 24 na regular na araw ng sesyon na
natitira bago ang pag-alis ng lehislatura sa Marso 14-16 na araw bago ang
pag-expire ng kasalukuyang prangkisa ng ABS-CBN sa ilalim ng Republic Act No.
7966.
“Nine similar bills are pending in the 18th Congress,
awaiting for the action of the House Committee on Legislative Franchises less
than three months before the subject franchise ends or effectively 24 regular
session days before the Congress adjourns on March 14, 2020 to May 3, 2020 for
the long Holy Week break,” ani Lagman.
“the jurisdiction of the Congress whether or not to grant a
franchise or renew it, is not isolated from the exercise of the
constitutionally sacrosanct freedom of the press.” Paalala din ng mambabatas sa
kanyang mga kasamahan
Nagbabala din si Lagman na ang hindi makatwirang pagtanggi
na magbigay ng isang prangkisa ay isang pag atake sa press freedom.
0 Comments