Mga larawan mula sa Manila Bulletin at Philsrtar |
Matapos mag viral ilang linggo lang ang nakakaraan, muling iniharap ng awtoridad kay Mayor Isko Moreno ang lalaking nag spiderman noong Nobyembre para gantihan ang lalaking nang hipo umano sa asawa ng kanyang kabigan.
Ngunit ang inakalang “hero” ay isa palang kriminal matapos itong mahuli dahil sa pang-i-snatch sa Maynila.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News at ng KAMI, nahuli si Jomar Alingod sa Taft Avenue base sa pahayag ni Yorme Isko.
"Ito, noong isang linggo bida. Itong hudyo na 'to, pumasok pa sa opisina ko. Talipandas din pala," ani Yorme Isko.
"Gusto ko malaman niyo, ito pala holdaper din. Snatcher din. Hindi pa nagbago. Kinilala na nga ng mayor. Kinamayan ko pa!" dagdag pa niya
Inamin naman ni Alingod ang pagnanakaw at ayon sa kanya, matagal na niya itong ginagawa. Ayon din ditto, mga nasa walo na umano ang kanyang mga nabibikima.
"Hindi lang kayo ang natolongges, pati ako," sabi naman ni Yorme.
Noong unang mag viral ang video ni Alingod, inakala ng marami na isa itong mag nanakaw at isnatcher.
Sa naturang video ay makikitang nakasabit ang suspek sa may bintana ng isang jeep habang pinag susuntok ang isang pasarehong lalaki sa loob.
Ang video, na tinawag ng mga netizens bilang "Grand Taft Auto," ay isang pag-play sa pangalan ng Grand Theft Auto, isang tanyag na laro ng video, ay kabilang sa mga nag-trending na paksa sa Twitter ilang linggo na ang nakakalipas.
Naganap ang insidente sa Taft corner United Nations Avenue noong November 17 ng umaga.*
“Just so everybody knows, some dude was trying to get away from three other guys by hopping in the jeep. They eventually caught up and beat him as you can see in the video,” ayon pa sa caption noon ni @icexalmocera, ang nag upload ng video ni Alingod
Nang mahuli, iginiit ni Alingod na hinahabol niya ang isang lalaki na nang-aabuso sa asawa ng kanyang kaibigan.
Ang lalaki ay naiulat na sumakay sa dyip upang makatakbo mula sa kanya. Sinabi ni Alingod na ang lalaki ay nasa paligid ng 50 taong gulang at isang residente mula sa Pasay City na madalas mag lagi sa UN Avenue.
Kuha mula sa video ni Alingod na inupload sa Twitter habang nakasabit sa Jeep |
Nag kaharap kalaunan si Alingod at ang lalaking hinahabol na umamin din naman sa kanyang ginawa at nagkasundo nalang na ayusin ang kanilang naging alitan.
0 Comments