Nadaan sa warning! Consunji to pay back DMCI-Ecoland owners 150% of units’ cost after Duterte's rants




DMCI Holdings chairman Isidro Consunji at larawan ng gumuhong ecoland 4000 condo sa Davao City (ctto)


Pumayag na ang chairman at pangulo ng DMCI Holdings na si Isidro Consunji na bayaran ang mga may-ari ng gumuho na Ecoland 4000 condominium building sa Davao City, ayon sa ulat ng Politiko.

Babayaran umano ng DMCI ang 150 porsiyento na binayaran ng mga may-ari ng condo unit,  ito ay matapos ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahadlangan niya ang kumpanya mula sa pagbuo ng mga bagong istruktura.



“We accepted the offer to settle the claims of the homeowners at 150 percent of acquisition cost. They have a general assembly on January 20,” ayon umano sa mensaheng ipinadala ni Consunji sa CNN Philippines nitong Sabado.

Ang pahayag ng DMCI chairman ay lumabas halos isang araw matapos itong tawaging “arogante” ni pangulong Duterte

“You were most arrogant do not do that. You will not only lose your funds but also your business, believe me. I have ordered an audit of all your buildings and violations you have committed,” ayon sa Pangulo sa isang interview kay Ted Failon ng ABS CBN.



“You know, if you do not come to terms with the people that you have prejudiced, will not allow you to even construct a building, not even a post,” dagdag ni Duterte

Naunang lumabas sa mga balita na itinanggi umano ng DMCI na pagmamay-ari nito ang Ecoland 4000 condominium na gumuho matapos ang malakas na lindol sa Davao noong October ng nakaraang taon.



Si Consunji ay kasosyo din sa Salim group ng Indonesia na siyang bumili naman ng Maynilad mula sa mga Lopez.

Post a Comment

0 Comments